31

26.6K 754 192
                                    

31

Pumailanlang ang nakakabinging tili ni Sandra kasabay ng malakas na tugtog galing sa dance floor matapos kong sabihin sa kanya ang naging usapan namin ni Gideon kanina.

"Oh my golly! Is he serious about chasing that thing?! Sinabi niya talaga 'yon?! Gusto ka niyang bawiin at gusto niyang tumira ka kasama n'ya?!" Niyugyog pa nito ang balikat ko at tila ba hindi talaga makapaniwala sa narinig n'ya.

I clicked my tongue. "Sinabi niya 'yon kapalit ng properties na hinihingi ko,"

"Oh, 'e, bakit parang disappointed ka?!" Itinulak nito ang braso ko. "Obvious naman 'yung totoong intensyon ng tao sa'yo kaya n'ya ginagawa 'to."

Hindi ko maiwasang mapasimangot habang nakatingin sa kanya. Tinusok n'ya ang pisngi ko gamit ang hintuturo n'ya.

"Hindi mo ba s'ya naintindihan, Rox?! Gusto niyang umuwi ka sa La Castellana kasama niya. Titira kayo sa isang bahay tapos gagawin niya ang lahat para maging kayo ulit!" She shouted.

"Inday! Niyaya kang tumira sa isang bubong! It means ibibigay n'ya ang properties sa 'yo basta sa kanya ka!"

"Ewan ko, Sandra, sumasakit 'yung ulo ko. Hindi ko maintindihan!" Hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat ng p'wedeng kapalit ng hinihingi ko ay gano'n ang hiningi niya.

Pinaglalaruan niya ba ako?

"Oh, ano bang sagot mo sa kanya? Pumayag ka?"

"Sabi ko pag iisipan ko,"

"Ay!" Muli syang tumili. "Intrimitida kang gaga ka! Pinag isipan pa talaga! Bakit hindi ka tumanggi agad? Gusto den..."

I narrowed my eyes on her. Nanliliit ang mata ko habang nakatingin sa kanya at humalakhak naman s'ya ng tawa.

"Sandra, iniisip ko 'yung property. Ayaw ko s'yang makasama sa isang bubong at ayaw ko ng pinipilit. But then I remember, how could I reclaim my property if I refused?" Bumuntong hininga ako at muling inalala ang pag-uusap namin ni Gideon kanina.

He was damn serious when he said that he wanted to chase me. Wala ba s'yang girlfriend? Wala ba s'yang asawa? Bakit n'ya gustong maghabol saakin?

"I want to say no." I told her.

"Aba, dapat lang! Baka nakakalimutan mong niloko ka ng gagong 'yan? Tapos papayag kang tumira kayo sa iisang bahay?"

Kunot-noo kong tiningnan si Sandra. Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak n'ya. Parang kanina lang ay pinapanigan n'ya si Gideon, ngayon naman ay nagagalit s'ya.

Napanguso ako at naalala naman ang sinabi ni Sandra. Bakit ko nga ba nakalimutan iyong kasalanan saakin ni Gideon?

I should just say no.

"Pero, what if hindi naman pala s'ya nagloko sa 'yo, Rox?" Maya maya pa ay tanong ni Sandra saakin.

"Kasi, look, bakit hinahabol ka n'ya? Bakit gusto n'yang magsama kayo sa isang bahay? Bakit gusto ka n'yang makuha ulit? Ang tanong, gusto mo bang mapasakanya ulit?"

Suminghap ako at umiling Kinuha ko ang shot glass ko at dineretsong inom ang laman no'n.

"Kung hindi talaga s'ya nagloko sakin, bakit ngayon lang? Bakit ngayon n'ya lang ako hinanap? Bakit hindi noon?" Wala sa sarili kong sabi. "Sandra, sampung taon... Sampung taon 'yung lumipas tapos magpapakita s'ya saakin at sasabihing sa kanya nakapangalan ang mga pag-aari namin dati at mababawi ko lang iyon kapag sinunod ko ang gusto n'ya?"

Sandali akong napatulala sa kawalan habang inaalala ko kung ano ang mga naging tagpo namin nitong nakaraang araw.

"Why is he doing this to me? Why does he keep pushing himself towards me if he already knows that he hurt me before and I don't want to get hurt again?"

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon