28
"Make this conversation fast. I have no time. I still have my clients." Bungad ko na agad nang maupo sa harapan ni Gideon.
Nasa isang restaurant ulit kami, malapit sa condo kung saan kami nakatira ni Gianna. A week had passed at ngayon ang itinakdang oras ni Gideon para sa muli naming pagkikita para pag-usapan ang tungkol sa properties na gusto kong makuha.
He texted me.
Noong una ay nagtaka pa nga ako kung paano n'ya nakuha ang numero ko, pero naalala ko si Tito Ismael. S'ya yata ang nagbigay.
Tumikhim si Gideon at seryosong bumaling saakin ng tingin.
"If you want your properties back, then at least be patient."
My lips parted when he said those words. Hindi ko na nagawang makapagsalita nang tumawag s'ya ng waiter para mag-order ng pagkain. He didn't ask me what I wanted; he just ordered what he wanted.
Hindi ko pa maiwasang palihim na tumikhim nang mapansin kong lahat ng inorder n'yang pagkain ay s'yang madalas din naming kainin noon.
I slouched in my chair.
Bakit nga ba iniisip ko pa iyon?
Nang umalis ang waiter ay hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga at kunot ang noo nang tingnan si Gideon.
"You ordered too much. As I told you, I don't have much time. Isiningit ko nga lang ang meeting na ito sa 'yo ngayong araw, so please, get straight to the point." Mataray ko na namang dagdag.
Sumadal s'ya sa kinauupuan at presko akong tiningnan. His lips twitched as he put his hands above the table.
He straightly looked at me. "Be patient, Atty, masyado ka namang nagmamadali. Kararating mo lang, late ka pa nga sa usapan,"
I lost my words after he said that. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko at tuluyang nainis nang marinig ang pamilyar n'yang mapang-asar na tawa.
Tumalim ang tingin ko sa kanya at wala nang magawa kundi ang tahimik at iritadong maghintay. Sa totoo lang ay wala naman akong ibang kliyente ngayong araw. Ayoko lang talagang tumagal na kasama s'ya.
We stayed quiet for a couple minutes. I knew that he was staring at me, kaya pilit kong inaabala ang mata ko sa pagtingin sa restaurant.
Wala masyadong tao at halos tanghali na rin. This restaurant is one of the most expensive restaurants in this place.
Hindi ko alam kung bakit itong lugar na ito ang pinili ni Gideon. Ni hindi ko alam kung paano n'ya nalaman ang lugar na ito unless malapit lang din ang tinutuluyan n'ya. Halos lakarin ko na nga lang ang pagitan nitong resto sa building ng condo ko, 'e.
Isang linggo na ang nakalipas matapos iyong pagkikita namin sa restaurant. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang niya naisipan makipagkita imbis na pinadadali niya.
Wala rin namang sinabi si tito saakin kung bakit nandito si Gideon sa Maynila. Wala rin naman akong pake.
Pinasadahan ko ng daliri ang maikli kong buhok.
"How are you?"
Nagtama ang tingin namin ni Gideon nang magtanong s'ya saakin. Nanatiling malamig ang tingin ko habang kalmado s'yang nagbabalik ng tingin saakin.
"I'm fine,"
A smile slowly formed on his lips as he nodded at me. "You looked better..." He said.
"Is the time that I gave you now enough?" Aniya pa.
I frowned, and confusion laced my face. "Ano?"
"It's been 10 years, Rox," Biglang humina ang boses n'ya at malambot na ekspresyong tiningnan ako.