04

28.9K 1K 215
                                    

04

"Wala ka bang practice sa majorette ngayong month? Next next month na ang intrams, diba?" Tanong Cleofa saakin.

Inayos ko ang gamit ko. Tapos na ang klase namin ngayong araw at parehas silang nagpasiyang sasama saakin para manood ng practice. Out of nowhere nga ang pagyaya ni Imperial kanina matapos malamang may practice ako ngayong araw.

"Meron next month pa, mga third week siguro next month. Kailangan ko kasing munang kumuha ng special exam, alam mo naman 'yon." Sabi ko.

Kailangan kong kumuha ng special exam lalo pa at may mga araw o linggong hindi talaga ako nakakadalo ng klase. May mga activities kasi akong dahilan kung bakit lagi akong wala.

Tumango s'ya. "'E, sa competition? May balita ka bang ngayong taon ay magkakaroon ka ng tournament?"

Napalabi ako. "Wala pa, hindi ko pa nga nakakausap si coach. Hindi rin naman s'ya tumatawag saakin."

We're talking about the rhythmic gymnastics tournament. Last year ay mayroon akong naging tournament, within this country lang naman. I represent our province.

But I'm still hoping that someday I can represent the whole country. Well, that's my dream. 

Wala naman masamang mangarap.

"Tournament saan?" Singit naman saamin ni Imperial, handa nang umalis.

Isinabit ko ang bag sa balikat ko gano'n din si Cleofa.

"Rhythmic gymnastics," si Cleofa ang sumagot sa tanong ni Imperial. "Isa rin 'yon sa sports ni Roxana. Alam mo ba 'yon?"

Umiling si Imperial at tila naguguluhan pa sa narinig. Bahagyang nakaawang ang labi. "Gymnastic lang ang alam ko, iba pa ba 'yon?"

I chuckled. "They have some similarities, but they are different."

"Oh?" Nanatiling nakaawang ang labi n'ya. She seems clueless about that sport. Parehas tuloy kaming napatawa ni Cleofa.

Cleofa's hands wrapped around our arms. "Don't worry, panoodin natin minsang mag-ensayo si Rox! Alam mo ba, super astig nung sport na 'yon! Para kang ballerina. Ang astig pa ng movements ni Roxana! She's the best, napakagaling n'ya!" She sounds like a proud mom.

Napangiti ako rito.

"Talaga?" Parang manghang-mangha pa si Imperial. "Parang ballerina? Paano 'yon? Akala ko ba gymnastic?" Kuryosong-kuryoso ito.

"Ay! Mahirap ipaliwanag! Ipapakita ko nalang sa 'yo 'yung mga videos ni Roxana saakin, kaso nasa camera ko 'yon na nasa bahay. Puwede ko naman dalhin, pero mas maganda kapag pinanood mo ng personal. Kapag nagkaroon nalang s'ya ng practice."

Tinahak namin ang daan papunta sa court. Nagtataka ako sa dami pa ring students na nananatili dito sa school ngayon. Mas madami kaysa sa nakasanayan tuwing may practice ang varsity namin.

Friday ngayon at katulad kahapon ay mas maaga ang tapos ng klase unlike tuwing Monday hanggang Wednesday.

"Hindi ka ba nahihirapan kapag gano'n? Ilang sports at clubs ba ang meron ka? Tapos SSG president ka pa. Hindi ka ba nakakaramdam ng stress?" Tanong pa ni Imperial saakin.

Umiling ako at tipid na ngumiti. "Nasanay na ako. Since grade school, active na ako sa mga iba't-ibang klase ng activities. May times na gusto ko nalang umayaw, pero s'yempre gusto ko naman 'yung ginagawa ko at alam kong once na tumapak na ako sa college mababawasan na 'yon. Mag-iiba na ang priorities ko kaya sinusulit ko ngayon." Paliwanag ko sa kanya, tumango-tango naman si Cleofa.

"No wonder kilalang kilala ka dito. You can excel in everything! May hindi ka ba kayang gawin? I'm jealous you know? Gusto ko kayang matutong magvolleyball pero tuwing sasaluhin ko ang bola para akong mangangalas!"

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon