09
"What did you say?"
Gulat akong umayos ng upo.
"Break na kami..." Pag-uulit ni Cleofa sa sinabi n'ya kanina t'yaka nagsimulang lumuha. "Nakipaghiwalay ako...kay Jam."
"Cleofa," nag-aalalang tawag ko sa kanya. Sunod-sunod na nagpatakan ang luha n'ya kaya wala akong nagawa kung hindi ang yakapin nalang ang kaibigan ko.
Tahimik s'yang umiiyak. Bawat hikbi n'ya ay mahina rin. Hindi ako sanay na makitang ganito ang kaibigan ko. Ito ang pangalawang beses na umiyak s'ya saakin ng dahil sa lalaki. Hindi s'ya humahagulhol ng iyak nguni't sa bawat hikbi nya ay malalaman mo kung gaano s'ya nasasaktan at nasasaktan din ako kapag nakikita s'yang ganito.
"What happened? Bakit ka nakipaghiwalay? Sinaktan ka ba n'ya? Niloko ka ba? May ibang babae ba?" Nagtitimpi kong tanong nang medyo kumalma ito.
She chuckled. Tumatawa s'ya nguni't nandoon pa rin ang luha sa mga mata. Napalabi naman ako habang nakatingin sa kanya.
Muli s'yang humilig sa dibdib ko habang nakayakap sa bewang. I slowly caressed her hair.
"Hindi lang talaga siguro kami para sa isa't isa..." Aniya. "Masyado kaming nawalan ng oras. Hindi naman nagkaroon ng third party saamin, basta paggising ko kahapon naramdaman ko nalang na baka hindi kami para sa isa't isa. Naramdaman ko nalang na pagod na ako."
Lie.
I know her. Alam ko ang ugali n'ya at alam kong hindi ganoon kababa ang dahilan n'ya para makipaghiwalay kay Jam. Ni hindi ko nga alam kung totoo bang s'ya ang nakipaghiwalay o si Jam. Nagdududa ako.
She loves Jam too much. Napakaimposibleng naisip n'ya lang na hindi sila para sa isa't isa kaya nakipaghiwalay na Kay nakipagbreak na sya.
I sighed. "If you're not ready to open up, it's ok... Hindi kita pipilitin. Hihintayin kong magkuwento ka saakin. Alam mo namang nandito lang ako palagi para sa 'yo diba?" Sabi ko habang hinahaplos ang buhok n'ya.
Naramdaman ko ang marahan n'yang pagtango saakin.
Sabay kaming naglakad pabalik sa classroom ng tuluyan s'yang mahimasmasan. I still have no class, malapit na ang intrams. Next week na iyon kaya ngayon ay busy ang lahat sa mga booth.
"Diba s'ya 'yung girlfriend ni Jam? Kumalat na kabit pala 'yung nanay n'ya, diba? Tapos bunga lang pala s'ya ng kalandian, Isang pagkakamali." Halos magpantig ang tenga ko ng marinig ang usap-usapang iyon sa isang booth na nadaanan namin.
Natigilan ako samantalang napahigpit naman ang kapit saakin ni Cleofa. I looked at her confusedly. Nakababa naman ang tingin n'ya sa sahig.
"Oh, 'e baka gano'n din ang anak. Kung anong pinagmulan gano'n din ang bunga. May nakakita raw kahapon d'yan na may kasama eh, tapos nag-away pa ata sila ni Jam. Baka nga break na."
"Bakit alam nila ang tungkol sa nanay mo?" Nagtatakang tanong ko kay Cleofa.
Nag-angat ito ng tingin saakin. Nangingilid ang luha at ilang beses na umiling. Muli kong tiningnan ang booth kung nasaan ang mga babaeng nag-uusap tungkol sa kaibigan ko. Mukhang napansin nilang tumigil kami at lumingon ako sa gawi nila.
Their eyes widened a bit. Kita ko ang pagkagulat at bahagyang takot sa mga mata nila.
Tiningnan ko ang pangalan ng booth nila at napag-alamang booth iyon ng section nila Jam.
"Rox..." Bahagyang hinigit ni Cleofa ang braso ko nang mapansing lalapitan ko ang mga ito. Kunot naman ang noong tiningnan ko s'ya.
"Sandali lang,"