19
"Cleofa?"
Sandali akong natigilan sa pagbaba ko sa hagdan ng bahay namin nang makita ko ang kaibigan sa living room namin.
She was silently sitting on our couch, but she looked a bit tense.
Agad naman s'yang nakapag-angat ng tingin saakin. Ang kaninang halos mangunot n'yang noo ay tila napalitan ng pagkabalisa na s'yang ikinataka ko.
"What are you doing here?"
Tuluyan akong bumaba ng huling baitang ng hagdag bago marahang lumapit sa kanya. Tumayo naman s'ya agad at pinawi ang kaninang emosyong nakita ko. Pinalitan n'ya iyon ng ngiti sa labi.
"Ah... dumaan lang. Pupuntahan din kasi dapat kita..."
"Ha? Bakit?" Nagtataka ko pa ring tanong.
Kinagat n'ya ang ibabang labi. "Ano... p'wede mo ba akong samahan?" Tila nag-aalinlangan n'yang sabi.
Umawang naman ang labi ko at napatango. "Saan ba? May pupuntahan din ako ngayon pero p'wedeng mamaya na rin naman. Iyong sa 'yo muna."
She shook her head. "Gano'n ba? Saan ka ba pupunta? Baka importante. Kaya ko namang mag-isa..."
Bahagya akong umismid. "Edi sana hindi mo nalang ako tinanong?" Pambabara ko pa kunwari sa kanya.
Bahagya s'yang tumawa at umiling saakin. "Sa Ayala kasi ako pupunta. Bibili sana ako ng regalo."
My lips parted at what she just said. "Doon din naman ang punta ko."
"Oh?" Napaawang ang labi n'ya.
Tumatango akong ngumiti sa kanya. "Birthday kasi ng daddy ni Gideon ngayon. May party mamaya kaya balak ko sanang bumili ng regalo. Ikaw? Para kanino 'yung regalo na bibilhin mo?" Usisa ko pa sa kanya.
Bahagya naman s'yang natahimik. Nakita ko kung paanong bahagyang namula ang maputi n'yang pisngi.
"Ano...para kay Yael sana..."
"Kanino?" Gulat pang sabi ko sa kanya, nanlalaki ang mga mata.
She bit her lip and gasped. "Kay Yael, sa kaibigan ng boyfriend mo! Ano kase... birthday n'ya bukas at nangako ako... Kaya ayon..." Tila hindi n'ya rin alam kung paanong magpapaliwanag saakin.
Umawang ang labi ko ng makumpirmang ang Yael na tinutukoy n'ya ay ang Yael din na nasa isip ko.
Isang malisyosong tingin ang ibinigay sa kanya.
"Hindi ko alam na close pala kayo." Biro ko pa sa kanya.
She pouted her lips. Mas lalong namumula ang pisngi n'ya habang nang-aasar ang tingin ko.
"Hindi naman kami close ng sobra. Gusto ko lang s'yang pasalamatan sa binigay n'yang damit sa baby ko." Depensa pa nito saakin.
I chuckled and rolled my eyes at her. "Binigyan ko rin naman ng damit 'yung anak mo pero hindi ka naman nagbigay ng regalo sakin..."
"Birthday mo ba? Di naman!"
Humalakhak ako ng tawa at pabirong hinigit ang dulo ng buhok n'ya. Hindi ko alam kung bakit nagtutuwa akong asarin si Cleofa kay Yael. Sa totoo lang, sa mga kaibigan kasi ni Gideon kay Yael din halos ako naging malapit.
Bukod kase mas madalas s'yang kasama ni Gideon ay alam ko naman talagang mabait si Yael.
This is the first time I saw Cleofa smile and blush like this after she broke up with her last boyfriend.
Kahit yata noong ipinanganak n'ya si Gianna ay hindi ko nakitaan ng lubos na saya ang ngiti n'ya dahil namumukod ang kakaibang lungkot at takot na hinaluan ng saya ang tingin n'ya sa anak...