29

25K 719 270
                                    

29

"I don't care, Roxana. I don't care,"

Nanatili akong tahimik at tulala kay Gideon. Parehas na may natuyong luha sa mga pisngi namin nguni't wala akong nagawa kun'di ang titigan s'ya.

"Wala akong pake kung hindi mo na kailangan ng kahit sino. Dito lang ako. Dito lang ako sa tabi mo."

My jaw dropped. "Hindi mo ba ako narinig, Gideon? Sabi ko, hindi na kita kailangan! Kaya p'wede ba? P'wede bang layuan mo na ako? Sabihin mo na saakin kung anong gusto mo para makuha ko na iyong properties ko. P-Pagkatapos no'n--" I licked my lips and breath heavily. "Pagkatapos no'n, let's just pretend that we don't know each other anymore."

Marahan s'yang umiling saakin. "Hindi, Rox... Naghintay ako ng sampung taon. Naghintay ako hindi para itulak mo lang ulit palayo."

Hindi ako tumugon sa sinabi n'ya. Nakipaglaban lang ako ng tinginan sa kanya.

"Hindi ko sinabing maghintay ka ng gano'n katagal, Gideon. It's your fault and not mine. Bakit hindi ka nalang maghanap ng iba diba? Why don't you just go and find another?" Nasaan yung babae mo? Bakit hindi ka doon?

"Wala akong iba, Rox."

"Liar," I coldly said, and I narrowed my eyes on him. "Please, just leave me alone." Tinalikuran ko na s'ya at tuluyang naglakad paalis. Hindi ko na hinintay na magsalita pa ulit s'ya.

Tinungo ko kung nasaan ang sasakyan ko. Parang wala nang naging epekto iyong alak na nainom ko kanina. Gising na ako. Nagising na ako sa katotohanan.

Ako:

Umuwi na ako, Sandra.

Itinago ko ang cellphone ko nang matapat sa pintuan ng condo ko. Kinuha ko ang duplicate key ko para buksan iyon. I mentally slapped myself when I remembered that I left Gianna alone inside. 

Noong sunduin ko s'ya kanina ay hinintay ko lang s'yang makatulog matapos kong pakainin ng hapunan at umalis na ako.

How irresponsible a mom am I? 

Mabibigat ang hiningang tinungo ko ang k'warto ni Gianna. Nang buksan ko ang pinto ay naroon pa rin s'ya sa kamang pinag-iwanan ko sa kanya at mahimbing na natutulog.

I sighed and walked towards her.

Inalis ko ang suot ko sapatos at ipinatong ko lahat ng gamit ko sa ibabaw ng study table t'yaka ako marahang nahiga sa tabi n'ya.

Inayos ko ang kumot at bahagya akong natigilan nang gumalaw s'ya at umikot paharap sa gawi ko. Mukhang naalimpungatan s'ya at sinubukang iminulat ang mga mata.

"Mom?" Namumungay at tila antok na antok n'yang tawag saakin.

She called me mom...

Gumuhit ang ngiti sa labi ko at marahang ipinatong ang palad ko sa mukha n'ya para haplusin. "Just sleep again, baby. Dito ako tutulog sa tabi mo, ah?" Marahan kong bulong sa kanya.

Muli nyang ipinikit ang mata at tumango tango saakin. She did wrap her hands around my waist just like Cleofa always did to me.

Nangilid ang luha sa mata ko at ipinagpatuloy ang paghaplos sa buhok n'ya. I hummed a soft lullaby as I forced myself not to cry. 

Ikaw lang, Gianna.

Ikaw lang ang kailangan ko sa buhay ko. Hindi ko na kailangan pa ng ibang sasaktan lang tayo.

"When is your second semester?" I asked Gianna.

Kinuha n'ya ang ilang notebook na kailangan n'ya at ilan ring highlighter bago inilagay sa loob ng basket na hawak-hawak ko. Linggo ngayon at nagyaya s'ya saaking pumunta sa NBS dahil may mga kailangan daw s'yang bilhin. Kahit hindi n'ya naman kailangan ng notebook ay bumili pa rin. Natuto kasi s'ya saaking kung paano magstocks ng notes. Ginagamit n'ya 'yung ibang notebook na binibili n'ya kapag nagbabasa s'ya ng libro at may nakikita s'yang magandang topic na tatandaan.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon