33
Kinabukasan ay nagising akong wala na ulit s'ya sa kwarto. Maaga akong nagising dahil balak kong maaga ring pumunta ng eskwelahan nguni't mas maaga namang nagising si Gideon.
Ganoon ba s'ya ka busy?
Nagsuot ako ng medyo pormal na damit. I'm wearing a white blouse and fitted pants. Inayos ko ang maikli kong buhok at naglagay ng pulang lipstick sa labi ko.
I don't actually know what has gotten to me to wear make-up. I just feel that I need it.
Kinuha ko ang ilang papel ni Gianna na hindi ko nakalimutang dalhin, especially her birth certificate.
Dala ko ang isang envelope at maliit na shoulder bag nang lumabas ako ng kuwarto at dumeretso sa kusina.
Naabutan ko roon na nag-aagahan si Gideon at Gianna at may pinag-uusapan pa. Rinig ko ang hagikhik ni Gianna habang nagkukuwento sa kanya si Gideon.
"Really tatay? You do those things before? That's crazy!"
Napapalabi kong pinanood si Gianna na tumawa habang nakatingin sa kanya si Gideon.
"Maybe, maybe I'm that crazy... it's because of your mom. Blame her,"
Tumikhim ako nang dahil doon kaya sabay silang napatingin saakin.
"Mommy! Good morning!" Agad na bati saakin ni Gianna at ngumiti. Nauna pa s'yang lapitan ako para bigyan ng halik sa pisngi.
I smiled back. "Good morning, honey."
"Good morning, Rox..." Bati naman ni Gideon.
I licked my lips when I remembered what he said earlier. I narrowed my eyes on him and nodded. "Good morning,"
Naupo ako sa katabing upuan ng kanya kung saan kaharap ko naman si Gianna.
"Aalis na ako pagkatapos ng umagahan natin. Ayaw ko ring magtagal sa school kaya inagahan ko ang pagpunta," I said to him and he just gave me a nod.
He's kind of checking me. Nakita ko pang napapawang ang labi n'ya na hindi ko nalang pinansin at kumuha na ng agahan ko.
"You're going with Ate Melody later, Gianna. She'll tour you around this hacienda. I'm sure you won't get bored." Sabi ko pa kay Gianna na excited namang tumango saakin.
We ate our breakfast quietly and quickly. Ibinigay saakin ni Gideon ang susi ng sasakyan n'ya bago ako umalis.
"Drive safely," bilin n'ya pa na s'yang tinanguan ako lang.
Naalala ko na naman ang gabi kung saan mag-isa kong minaneho ang sasakyan ko papalayo sa lugar na ito. Sa totoo lang ay iyon ang unang beses ko nagdrive at himalang hindi ako naaksidente.
Gideon was the one who taught me how to drive a car. Tinuruan n'ya ako noong tumuntong ako ng nineteen. Iyon kase ang naging hiling ko sa kanya noong kaarawan ko. I want him to teach me how to drive a car.
Sinulyapan ko ng bahagya ang sinasabi ni Gideon na school na s'yang malapit sa dati naming school noong highschool.
Nakita ko ang ilang pagala-galang estudyante sa loob ng school at mukhang hindi pa nila time kaya hindi pa pumapasok sa loob.
I parked my car in a free space area, bago ako bumaba.
I saw some people looking at me, especially mommies na naghahatid ng anak nila papunta ng school.
I just placed a thin line on my lips and walked toward the guard. I asked him where the registrar's office was because I would like to transfer my daughter to their school.