27

26.7K 751 318
                                    

27

Malalim ang buntong-hininga na pinakawalan ko matapos marinig ang sinabi ni Gideon. Hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya.

How dare he say in front of me that I'm still his girlfriend after he cheated? 

Sa isang tila katahimikan at lahat kami seryoso ay hindi ko mapagilang matawa nalang bigla. My laugh sounds so sarcastic.

Ito ang ayaw ko. Hindi ko ninais na makipagkita sa may-ari ng law firm namin at ang secretary nalang sana ni tita ang kakausap sa kanya dahil ayaw nang maugnay kay Gideon nguni't ngayon ay narito na s'ya at s'ya rin palang may-ari ng iba pang properties na gusto kong mabawi.

Nakita ko naman kung paanong napaawang ang labi ni Gideon at tila nagtataka sa bigla kong tawa.

"Really? You must be mistaken." I hissed.

"If you're the owner of my properties..." I tiptoe. "How?"

"What?" Kumunot naman ang noo n'ya.

"How much? How much do you need?" Magasapang kong sambit.

Narinig ko ang tikhim nila tito Ismael sa sinabi ko kay Gideon. I feel the tension that is building in between us. 

Tumikhim si tito Ismael at tila ba kinukuha ang pansin namin.

"Why don't you guys sit down first?" Anito sa dalawang lalaki.

Napaiwas ako ng tingin at napatikhim din. Sandali kong pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko at ang halo-halong nararamdaman ko ng dahil sa pagdating ng dalawang ito.

They sat beside me and beside Tito Ismael. The table is for four people kaya sumakto iyon saamin.

Magkaharap kami ni tito at magkaharap naman ang dalawa.

I must say that they did really change, big time. Ang tila dating nakikita kong hindi marunong mag-ayos ng uniform nila ngayon ay pinong-pino ang mga suot na long sleeve. Ang dati nilang buhok na palaging magulo noon ay parehas na ayos na ayos ngayon.

Kung titingnan sila ngayon ay parang walang bakas ng kahapon.

They're both too serious.

Wala ang malokong Gideon at Yael na s'yang nakasama ko noon.

I didn't say a word when Tito Ismael told them to order food. Nakababa ang tingin ko sa platong nasa harapan ko. 'Yung halo-halong nararamdaman ko at parang namumuong galit.

I remember the last time I called him and someone, or I must say that a girl, answered my call instead of him. He hurts me. He's also one of the reasons why I suffered... 

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.

"Rox," tawag saakin ni tito na s'yang ikinaangat ko ng tingin.

I saw how he looked at me with concerned eyes, and I just pursed my lips. Why didn't he tell me earlier that Gideon is also the one who owns our mansion? Plano ba nila ito?

"Gideon bought your properties four years ago. I contacted him and told him that you wanted the properties back and he was willing to give them back to you."

Natulala ako. "That's good then."

"Hindi ko basta ibibigay sayo iyong property nyo noon na pag aari ko na ngayon..." Pagsasalita pa ni Gideon.

Nilingon ko s'ya at matapang na tinaasan ng kilay. "Then discuss with me what you want or what I should do just to have it back."

Sandaling umangat ang gilid ng itaas labi n'ya. Dumaan ang kakaibang emosyon sa mga mata niya na agad ring pinawi. Nanatili s'yang seryoso at tumango saakin.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon