17

20.8K 666 156
                                    

17

"You're w-what?"

Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Cleofa nang kumalas ako sa yakap. Umiiyak pa rin s'ya at marahang umiiling saakin.

"Sorry... Sorry hindi ko sinunod 'yung sinabi mong h'wag akong tutulad sa mama ko... S-Sorry"

"Cleofa..." Banggit ko ng pangalan n'ya at naawa s'yang tiningnan.

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Makailang beses akong lumunok upang pigilan ang pagtulo noon.

"Tulad lang din ako ni mama... Tama sila... Tama sila, magkatulad din kami... Disgrasyada rin ako..."

Umiling ako at muli s'yang niyakap. Imbis na magalit o tanungin s'ya kung paano at anong nangyari ay mas pinili kong yakapin nalang s'ya at patahanin sa pag-iyak.

"I love you..." I whispered.

"Hindi kayo magkatulad ng mama mo, Cleofa... Kung nagkaroon kayo ng parehas na pagkakamali sa una, hindi pa rin kayo magkatulad dahil sinigurado akong magiging isang mabuti kang ina."

She hugged me so tight. Bahagya akong nangiti at tuluyang nang naiyak.

Hindi ko alam 'yung mararamdaman ko. Pinaghalong saya at lungkot nguni't hindi ako nakaramdam ng kahit anong disappointment.

Kaya pala...

Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay naging tamlayin s'ya at madalas hindi n'ya gusto ang pagkaing binibigay ko sa kanya. Nung nakaraan ko pa rin napapansin ang makailang beses n'yang pagsusuka na akala ko naman ay may sakit lang s'ya.

"Ilang months na?" Marahan kong tanong sa kanya.

"2... 2 months."

Umawang ang labi ko. "Congrats... Magiging mommy ka na... Magiging mommy Cleofa ka na." Binigyan ko s'ya ng isang napakagandang ngiti.

Kumalas sya sa yakap at t'yaka humikbi. "Hindi ka galit?" Nakanguso nitong tanong na bahagya kong ikinatawa.

I wiped my tears away. "Bakit naman ako magagalit? Blessing 'yan. Magiging mommy ka na at magiging tita ninang na ako."

"R-Rox..."

Umiling ako sa kanya. "Yes, I did tell you that you shouldn't make the same mistake that your mother made. Pero, kung magagalit ba ako sa'yo may magagawa pa iyon? Maibabalik ba? No... Isa pa ay iba ngayon Cleofa. Masaya ako na sinabi mo saakin kaysa tinago..." I breath heavily.

"Pakiramdam ko ako ang ama ng baby. Sobrang saya ko." Natatawa kong sabi sa kanya.

I heard her chuckle, but then she continued being emotional. 

"Uwi muna tayo. Usap tayo sa inyo, ah? Doon ako matutulog." Sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Ha? Seryoso ka?" Gulat n'yang sabi.

Tumango-tango ako at kumapit sa braso nya. Sasabihan ko nalang sila mommy na tutulog ako sa bahay ni Cleofa ngayong gabi. Magpapadala nalang ako mamaya ng uniform ko para bukas ng umaga.

"Ako magluluto!" Presinta ko pa nang nasa kanila na kami at sinabi n'yang nagugutom na siya.

Umawang ang labi ni Cleofa habang nakatingin saakin.

"Seryoso ka ba?"

"Hmm, chill ka lang d'yan buntis! Ano bang gusto mo?" Magiliw ko pang tanong.

Akala ko ay sasagot agad s'ya at sasabihin ang gusto n'ya but instead, she suddenly cried again. Ikinataranta ko iyon.

Hala! May nasabi ba akong mali?

Diba sabi nila kapag buntis daw emosyonal tapos sensitive?

Anong nasabi kong mali?!

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon