14
"Sigurado ka bang papasok ka na?" Nag-aalalang tanong ko kay Cleofa.
She smiled at me. Bakas pa rin ang lungkot sa ngiti n'ya saakin habang inaayos ang suot n'yang uniform.
"Oo, wala namang magagawa ang pagmumukmok ko... Alam kong hindi magugustuhan ni lola kung magpapaloko-loko ang pag-aaral ko. Gusto n'ya akong makapagtapos, kaya papasok na ulit ako." She mumbled before facing me.
"Hindi ako p'wedeng tumigil, ano! Mahaba pa ang tatahakin ko para maging isang ganap na doktora." Nangingiting sabi ni Cleofa.
Almost two weeks have passed since we mourned for Lola Melva.
Hindi ko akalaing napakabilis ng pangyayari samantalang ayos naman s'ya noong araw na iyon tapos biglang wala na...
Inatake daw ito sa puso.
Grabe ang pag-aalala ko kay Cleofa at kahit dis-oras ng gabi ay tumungo ako papunta sa kung nasaan s'ya. Hagulhol ng iyak n'ya ang tanging narinig ko habang yakap yakap ko ang kaibigan ko.
She cried so loudly. I was so worried. Nasaktan din ako sa pagkawala ni lola. I cried, but then I kept myself strong dahil iyon ang kailangan ni Cleofa nang mga araw na iyon. Kailangan n'ya ng malakas na masasandalan at dadamayan s'ya.
Hindi ako umalis sa tabi n'ya ng mga araw na iyon. Imperial and Gideon helped me, tinulungan nila akong bigyan na maayos na burial si Lola Melva.
Ilang araw din akong absent na kahit ayaw ni Cleofa ay ginawa ko pa rin.
Madaming nagbigay ng pakikiramay at may mga nagbigay pa ng tulong sa kaibigan ko. Mag-isa nalang s'ya ngayon sa bahay nila. Sabi ko sa kanya ay p'wede namang saamin nalang s'ya tumira. Para rin safe, lalo pa't wala na s'yang kasama sa kanila ngayon.
But she refused. Ayaw n'ya raw iwan ang bahay nila. Doon nalang daw s'ya.
Walang ibang kamag-anak na kilala si Cleo. Ang mama n'ya naman ay simula nang umalis ay hindi na muling bumalik kaya malaki rin ang galit sa kanya ni Cleofa. Hindi naman kilala ni Cleofa ang tatay n'ya.
"Ang taray, ginawa na talagang driver si Gideon." nagawa pang magbiro ni Cleofa ng makita ang sasakyan ni Gideon sa labas ng bahay nila.
Ngumiti ako at umiling sa kanya. Alam kong pilit n'yang itinatago ang lungkot sa mga ngiti n'ya. Namamangha ako sa paraan n'ya ng pagtatago ng nararamdaman n'ya na kahit mabigat ang dinadala ay nagagawa n'ya pa ding ngumiti.
Cleofa will always be Cleofa.
She's strong.
My bestfriend is strong at iyon ang hinahangaan kong katangian niya.
Gideon opened the door for us. Bumubulong-bulong naman si Cleofa na ang gentleman naman daw pala nitong isa.
Gideon let me sit beside my best friend. Mag-isa s'ya sa driver's seat.
"Si Imperial? Bakit hindi natin kasabay?" Tanong ni Cleofa saakin.
Umiling ako. "May sarili raw driver si Imperial."
"Palagi kang sinusundo ni Gideon?"
"Hmm..." Tumango-tango ako.
Nakita ko namang sinulyapan kami ni Gideon mula sa front mirror. Nginitian ko lang s'ya bago muling bumaling sa bestfriend ko.
"May mga notes ako, kung gusto mo ay ituturo ko nalang sa'yo kapag may free time tayo at after class. Sasabihan ko nalang din ang ilan nating prof na kung p'wede ay bigyan ka ng special exam at ilang quiz na sinagutan namin no'ng wala ka." Paliwanag ko dito.