07
"Buti naman nakarating ka na." bungad 'yan saakin ni Imperial nang makapasok kami sa bahay nila.
Naroon silang apat sa living room. Makahulugan ang tingin ng dalawa kong kaibigan habang iyong dalawa naman ay nagtataka kung bakit kami magkasama ni Gideon.
I clicked my tongue in annoyance. "I brought my laptop." Sabi ko at naupo sa tabi ni Cleofa. Napansin ko ang mga gamit nila sa ibabaw ng coffee table. Ibig sabihin ay dito nila balak mag-aral ngayon.
Napansin kong tahimik sila bigla. Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang kunot na noo ni Gideon at kulang nalang ay magsalubong ang kilay niya.
"Kuya pakisabi naman kay manang na dalhan kami ng pagkain, oh?" Biglang pagsasalita ni Imperial sa pinsan.
Nilingon s'ya ni Gideon bago nagpakawala ng buntong-hininga at tumango. "Alright,"
Ibinaba ko ang tingin sa mga gamit namin. Kinuha ko ang bag ng laptop ko at binuksan iyon para ilabas na. Narinig ko naman ang papaalis na yapak ni Gideon nguni't hindi ko na pinansin.
Ipinatong ko sa bakante ng lamesa ang laptop ko at sinimulang buksan. Tahimik lang ako nang biglang maniko si Cleofa. Mahina lang naman iyon pero masakit pa rin!
"Oh?" Iritado ko s'yang binalingan ng tingin.
She widened her eyes at me. "Ano 'yun? Bakit gano'n?" Hindi na naman buo ang tanong n'ya.
"Ha? Anong ano 'yun? Anong bakit gano'n?" Ani ko.
She rolled her eyes. "Iyon, bakit parang may something? Nag-away ba kayo? Bakit parang nag-iiwasan?"
I pursed my lips. Sa lakas ng boses niya ay alam ko nang rinig na rin ng dalawa pa naming kasama sa grupo ang sinasabi ni Cleofa. I scratched my nose and turned my gaze back to the screen of my laptop.
"Bakit s'ya ang sumundo sakin?" Tanong ko nang hindi sila nililingon.
"Siya rin naman ang sumundo samin." Anang ni Cleofa na ikinalingon ko na sa kanila.
"Siya ang sumundo?"
They both nodded at me.
"Wala kasi 'yung van na ginamit natin kahapon, may inutos si tito Warren doon sa driver. Sa tingin ko ay ipinapaayos 'yung sasakyan, kaya humingin ako ng favor kanina kay kuya Gideon na s'ya ang sumundo sa inyo."
Kumunot lalo ang noo ko sa paliwanag na iyon ni Imperial saakin.
"'Ebakit nahuli ako?"
Cleofa poked my cheek. "Ayaw mo no'n, solo mo si Gideon."
Kasabay ng tawa nilang dalawa ay ang hagikhik din galing kay Marylou at Sheena na hindi ko naman inaasahan tuloy ay napalingon din ako sa kanila. Nakatingin din sila saakin.
"Ang bias ni Gideon. Porke' may gusto sa 'yo, gusto kang masolo." Sabi ni Marylou na s'yang ikinaawang ng labi ko.
Pakiramdam ko ay umangat na ang dugo ko papunta sa mga pisngi kong nag-iinit na ngayon. This is insane, pinagkaisahan pala nila ako!
"Hanggang ngayon ipinagpipilitan n'yo ang bagay na wala namang katotohanan." Naiinis kong sabi sa kanila. Napalabi ako at nag-iwas ng tingin.
"May katotohan naman kasi 'yung sinasabi namin. Alam mo kapag matalino raw, sabi nila, bobo talaga sa pag-ibig. Hindi ko lang alam kung given ba sa pagiging bobo 'yung pagiging manhid." Walang tigil pang sabi ni Cleofa.
Gusto kong higitin ang buhok n'ya sa pagkakataon ito at t'yaka ko bubusalan ang bibig n'ya para matigil s'ya sa kung ano-anong lumalabas doon.
"Obvious naman kasi si kuya Gideon, bakit hindi mo matanggap sa sarili mo iyon Rox?" Ani ni Imperial.