23

20K 762 669
                                    

23

"Ate, are you c-crying?"

I immediately wiped away my tears when I heard Miro's voice. 

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong gising na habang tiim na nakatingin saakin.

Ang maamong mukha ng kapatid ko ay tila pumapawi sa sakit na nararamdaman ko kani-kanina lang.

"No, Miro... Ate is not crying." Pagsisinungaling ko pa sa kanya.

Alam kong pilit n'yang akong inaaninag gamit ang mga mata n'ya kahit hindi niya naman kaya. Isang mapait na ngiti lang ang nailabas ko.

I put my hand on his hand when he sat on his bed. "But I heard your sobs. Why are you crying? Did someone hurt you?" Mahina pa n'yang tanong.

Marahan kong nakagat ang ibaba kong labi at pinigilang muling maiyak nang dahil sa sinabi n'ya.

Everyone is hurting ate, Miro... They are hurting me...

Gusto kong magsumbong sa kanya. Feeling ko ngayong wala akong mapuntahan at kapatid ko lang ang kakampi ko dahil kahit si Gideon ay hindi ko magawang lapitan dahil isa din s'ya sa dahilan kung bakit nasasaktan ako.

Halos isang linggo na ang lumipas nang huli kaming nagkita at isang linggo na rin ang lumipas simula nang palagi kong nagkukulong dito sa bahay.

I didn't go anywhere.

Mas pinili kong alagaan ang kapatid ko lalo na at patagal nanh patagal pakiramdam ko mas lalo din s'yang nahihirapan sa sitwasyon n'ya. Mas lalong bumabagsak ang timbang n'ya.

Mom is busy with dad's case.

Pilit s'yang humahanap ng maaaring makatulong saamin upang maayos ang kaso ni daddy.

"No, baby. Ate is ok. Ayos lang si ate... Ikaw ba? Anong nararamdaman mo? May gusto ka ba?" Marahan ko pa ring tanong at naupo sa tabi n'ya.

Nag-angat s'ya ng tingin saakin at bahagyang ngumuso. "I had a dream, ate."

"Hmm?" Interesado ko s'yang tiningnan.

"Umiiyak ka doon, ate... You're alone crying, and then I woke up. I heard you crying."

"M-Miro..."

"I'm sorry, ate..." Natigilan ako nang makita kong namula ang ilong at pisngi n'ya kasabay ng pangingislap ng mata n'ya.

"I'm sorry, I'm not there to hug you." Aniya, pagtutukoy pa sa panaginip.

Muling tumulo ang luha ko at naaawang nakatingin sa kapatid ko. I quickly wiped my tears away and began to slowly carry him. Dinala ko s'ya sa lap ko para mas madali ko s'yang mayakap.

He even put his hands on my neck and burried his face in it.

"I feel so tired, ate. I feel so sleepy." He whispered and I just nodded.

"It's ok, baby. Sleep in my arms. I won't mind. I won't leave either."

"Is it really ok?" Bulong n'ya na s'yang dahilan para matigilan ako.

"Is it really ok if I sleep now, ate?"

Ilang beses akong napalunok. Parang unti-unti ay nagiging malinaw saakin ang gustong iparating ng kapatid ko at hindi ko iyon gusto. Parang muling binabasag ang puso ko.

"Baby, are you really that t-tired? Can't you please just stay awake?" Basag ang boses kong tanong sa kanya.

Naging mabigat ang bawat paghinga n'ya hanggang sa maramdam ko ang unti-unti n'yang pag-iling.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon