15

23.2K 766 156
                                    

15

"Bend you back a little bit."

Lumapit saakin si coach Nella bago hinawakan ang likod ko. Inalalayan n'ya ang likod ko sa paraang gusto n'ya.

Kasalukuyan akong may practice ngayong araw. Papalapit na nang papalapit ang araw ng competition ko. Next week na iyon at ngayon palang ay halo-halo na ang nararamdaman ko.

Nagbigay na rin ako ng excuse letter sa school. Ilang araw akong hindi papasok hanggang matapos ang competition ko.

Madalas pumunta dito sila Cleofa at Imperial pagkatapos ng klase nila, nanonood ng practice ko. Si Gideon naman ay halos araw-araw na narito saamin pagkatapos din ng klase.

Sa ilang linggo ay focused kami ni coach Nella sa pag-e-ensayo ng mga bagong movements. May mga movements na nahirapan akong makuha nguni't nagagawa ko naman. Naging strict din si coach sa pagdating sa kinakain ko.

Buong araw ay wala akong ginagawa kun'di ang mag-ensayo. Kapag pagod na ay tumitigil naman din kami dahil hindi rin naman p'wedeng mapuwersa ang katawan ko.

Every morning ay nagpupunta kami ni Coach Nella sa peak malapit dito sa mansyon namin para sa jogging. Kapag sabado at linggo naman ay si Gideon ang nakakasama kong at sinasabayan pa ako sa jogging ko tuwing umaga.

Wala akong training kapag sabado at linggo dahil iyon ang naturang rest day ko pero hindi nawala sa routine kong iyon. Araw-araw na umakyat at bumaba sa burol na iyon malapit saamin.

Ipinatong ko ang isa kong paa sa wall mounted ballet barre na meron ako dito sa practice room ko. Naglaan talaga si mommy at daddy ng isang malawak na k'warto na s'yang ginagamit ko kapag may training at practice. Malaking salamin ang nasa wall ng room na iyon. Kumpleto din sa gamit na kailangan ko.

Coach Nella held the edge of my foot. Bahagya n'ya iyong tinuunan upang hindi iyon maalis doon kapag sinubukan ko ng abutin. I bend my back, stretch my hands up and try to reach my big toe. I succeeded. Hindi na masyadong nahirap.

"Very good," anang ni coach Nella at ngumiti saakin matapos ang training namin. "You never disappoint me, Roxana. You're the best."

Ngumiti ako at tumayo ng ayos sa harapan n'ya.

"Saturday, susunduin kita dito sa inyo. Maaga iyon dahil maaga rin ang schedule ng competition mo. I'll give you this last week to refresh. Kailangan mo ng pahinga. Make sure hindi mo kakalimutan ang diet mo, ugaliin mo pa rin sa umaga ang jogging para manatiling toned ang muscles mo sa binti." Paalala n'ya saakin.

Tumango-tango naman ako bilang sagot. "Yes coach."

She put her hand on my shoulder and slightly tapped it. "See you on the day of the competition, Rox. This is your chance to prove to everyone that you can represent our country at your next competition."

Nagpaulit-ulit iyon sa isipan ko. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Napakasarap sa pakiramdam na marinig galing kay coach na may pagkakataon na akong irepresenta ang bansa namin kung mapapagtatagumpayan ko ang competition ko sa isang linggo.

Ramdam ko ang pagod sa katawan ko kaya naman nang pumasok ako sa kwarto ay nagpasiya agad akong maligo. Warm bath ang ginawa ko.

Inihilig ko ang batok sa bathtub habang ang katawan ko ay nakalublob sa tubig na maligamgam. Masarap iyon sa pakiramdam at tila unti-unting inaalis ang kaninang pagod na nararamdaman ko.

Sandali akong napapikit.

Sana ay tuluyan akong magtagumpay sa isang linggo...

Tama si coach Nella.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon