40
"Edi hindi ka na talaga babalik dito? Doon na kayo titira sa La Castellana?" Tanong saakin ni Sandra nang bumisita s'ya sa condo ko sa Manila.
Kahapon pa kami nakaluwas dito at ngayong umaga dumating si Sandra. Tulog pa ang sila Gianna at Gideon kaya kaming dalawa ni Sandra ang magkatulong sa paggawa ng agahan.
"Bibisita rin kami paminsan-minsan dito, nandito din naman ang ibang business ni Gideon." Sabi ko sa kanya.
Bigla n'ya namang hinampas ang braso ko. "Intrimitida ka talaga, buti nalang ayos na kayo 'no? Happy ka na ulit!" She said and smiled at me.
Bahagya akong napatawa at tinanguan s'ya. "Masaya ako noong kayo lang ang kasama ko, mas lalo nga lang akong sumaya nang magkaayos na kami ni Gideon..." I said.
"You know what Sandra? You're right, lahat ng sinabi mo saakin noon at lahat ng advice...Lahat 'yon tama at hindi ako nagsisising sinunod ko. Ngayon masaya na ako kasama si Gideon at Gianna."
"And I'm happy that you're happy..." She uttered and held my hand. "Rox, you are deserving of love and attention. You are valuable and deserving of sacrifice. You're not a typical young lady, deserve mong magmahal at mahalin din pabalik." Aniya saakin at ibinaba ang hawak n'yang tasa ng kape sa lamesa.
"Basta ba h'wag mong kakalimutang dumalaw dito at sa Leyte. Nako, magtatampo si mommy at daddy sa cyo! Sasabihin ng mga iyon porke't bumalik ka na sa probinsya n'yo ay kinalimutan mo na sila." She said while laughing.
Umiling ako. "Hindi ko sila makakalimutan. Hinding-hindi ko makakalimutan kung gaano kalaki ang ibinigay n'yong tulong saakin. Hindi ko kakalimutan na naging pangalawang pamilya ko na kayo simula ng mawala ang pamilya ko."
She just gave me a satisfying smile.
When I met Sandra, I thought she was a bitch, but of course, that's also true. She is a bitch, but a bitch with a good heart.
S'ya pa nga ang nagsabi saakin ng mga katagang iyan at kaya n'ya raw ako pinulot at tinulungan kahit hindi kilala ay dahil kahit maldita s'ya ay may malasakit pa rin naman s'ya sa kapwa n'ya.
Nang magising si Gideon at Gianna ay magkakasabay na kaming nag-umagahan. Busy si Gianna sa pagkausap sa tita Sandra n'ya habang si Gideon naman ay walang ginawa kundi ang manahimik at asikasuhin kami ni Gianna.
Nadamay pa ako sa katahimikan n'ya.
Naipakilala ko na naman si Sandra at Gideon sa isa't isa kahapon nang magmeet sila.
Matapos naming kumain ay inaya ni Sandra si Gia sa sala para ibigay dito ang mga dala n'yang pasalubong.
Nasabi ko kay Sandra ang nangyari kay Gianna sa La Castellana at dahil nga si Sandra s'ya, grabe ang naging reaksyon n'ya kaysa saakin. She even suggested that I maybe should transfer Gianna back to Ateneo, and I said I don't have to.
I already talked to Gianna and asked if she wanted to transfer back to Ateneo at sabi n'ya ay hindi na raw. Maayos na daw s'ya sa bago n'yang section.
Nanatili si Gideon sa loob ng k'warto ko kung saan din kami parehas na natulog kagabi. Sinabi n'yang doon na muna raw s'ya at magbabasa na lang.
Tinapos ko ang paglilinis ng mga pinagkainan namin bago ko naisipang ipaggawa ng juice si Sandra at Gianna. Ipinag-gawa ko rin sila ng cookies na natutunan kong gawin nang magsimula akong manirahan dito sa manila.
Inihanda ko ang cookies at orange juice. Inilagay ko sa isang serving tray t'yaka ko dinala sa sala kung nasaan ang dalawa.
Naabutan ko doon si Gianna na nagsusukat ng damit na binili para sa kanya ni Sandra.