22

19.8K 650 242
                                    

22

I don't know how to absorb everything. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat ng nalaman ko no'ng gabing iyon. Hindi maalis sa isipan ko kung paanong inaresto ang daddy ko, kung paano s'yang nasasaktang ngumiti saakin, at kung paanong sinabi ni mommy saakin ang kasalanang ginawa n'ya.

"He's not a murderer, Rox! Your dad didn't do it on purpose! He just protected himself!"

Napatay ni daddy iyong huling naging kliyente n'ya...

Halos hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip sa nangyari. Naupo ako sa madilim at sulok na bahagi ng k'warto ko at tahimik na umiiyak habang iniisip ang sunod-sunod na problemang dumating.

I can't believe it.

Kinikilabutan at natatakot ako sa tuwing maaalala ko ang sinabi ni mommy na nakagawa ng ganoong kasalanan si daddy.

"I'm sorry Alisha. I'll make it up to you. I'm really sorry. I love you. You know that right?"

Natigilan ako sa ginagawang paghakbang papunta sa gate ng school namin nang madaanan ko ang waiting sched malapit sa school ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Naningkit ang mata ko at tila nawala sa kaninang pagkakatulala nang makita ko si Jeremy, ang boyfriend ni Imperial na may kausap na babae.

Umawang pa ang labi ko ng makita kong hinalikan n'ya ito sa pisngi.

I gasped.

Namuo ang galit sa puso ko at nag-iinit ang ulo ko sa nasaksihan ko. Harap-harapan n'ya pang niloloko ang kaibigan ko!

Sandali ako nanatili sa kinatatayuan ako. I closed my first when the girl had already left. Mabilis kong nilapitan si Jeremy at nanlilisik ang matang tiningnan ito.

"Ang kapal ng mukha mo!" Pauna kong sabi ng makalapit sa kanya.

Gulat naman s'yang napalingon saakin at nalalaki pa ang mata. Pigil naman akong ipadapo ang palad sa pisngi n'ya.

Tama si Gideon. Hindi nga s'ya mapagkakatiwalaan!

Nakita ko kung paanong bigla s'yang namutla nang makita ako sa harapan n'ya.

"R-Roxana!" Gulat pa n'yang tawag sa pangalan ko.

I glared at him. "How dare you! Niloloko mo lang ang kaibigan ko! Kailan mo pa ito ginagawa?! Ha?!" Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob.

Mas lalo s'yang namutla nang dahil sa sinabi ko. Akmang hahawakan pa ako pero agad akong umiwas.

"You son of cheater! Hiwalayan mo si Imperial! Cheater! Ako mismo ang magsasabi sa kanya ng panloloko mo!"

"No! I'm not cheating on her! I'm not!"

"Ha! Gago ka ba?!" Hindi ko na napigilang magmura.

Nagngingitngit ang nararamdaman ko at pigil na pigil na sampalin s'ya. "Harap-harapan, narinig ko! Nakita ko! Itatanggi mo pa?" I laughed sarcastically.

"Sasabihin ko 'to kay Imperial." Mariin kong sabi. "Tama si Gideon, hindi ka dapat pinatulan ng pinsan niya. Nakakadiri ka!" I shouted at him.

Akmang lalagpasan ko na syia nguni't nagulat ako nang hawakan n'ya ang braso ko at higitin papalapit sa kanya kasabay ng mabilis na sasakyang dumaan sa gilid ko.

Nanlaki ang mata ko at napasinghap.

Kung hindi n'ya ako hinigit nasagasaan na ako...

Umawang ang labi ko at napaangat ng tingin kay Jeremy ngunit hindi ko naman inaasahang halos magdikit na sa lapit ang mukha namin.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon