11
Hindi ko alam kung kailan ako naniwala at kung kailangan ko natagap. I always told myself, "No, he's bluffing." He's just fooling around with me. He was out for vengeance. But since then, since the day he has held my hand...looked me in the eyes and said that he really likes me.
My mind and heart began to argue, and at the end of the day, I just found myself believing him. Believing that Gideon Lofranco likes me...
"Para kanino naman 'yan?"
Kinuha ko ang tatlong box ng paper puzzles t'yaka iyon nilagay sa hawak kong basket. Nandito ako ngayon sa national bookstore sa city kasama si Gideon.
He insisted on accompanying me. Hindi ko alam kung paano n'ya ako napapayag.
Linggo ngayon at bukas naman ang start ng activities sa school. The truth is, may plano talaga akong pumunta dito ngayon sa Ayala. I need to buy some things na kailangan ko para bukas katulad ng barrette at bagong sapatos para bukas. Boots and hanap ko, iyong high calf.
'Yun kase ang kailangan sabi ni Miss Paula, gano'ng style raw ang babagay sa uniform naming bago at hindi raw babagay 'yung mid calf boots na madalas naming gamit.
Nabanggit ko iyon kahapon kay Gideon kaya sinabi n'yang sasamahan n'ya daw ako. Nagkita kami sa school. Pagpasok ko palang sa gate ay nandoon na s'ya at halos bumuntot na nga lang s'ya saakin sa kalahating araw na nandoon kami kahapon.
Buti nalang at kakaunti naman ang tao sa school at kakaunti lang din ang nakakapansin saamin.
Sa totoo lang ay naiilang ako sa kanya nguni't naroon din ang unti-unti kong pagiging komportable.
Hindi kasi mawala sa isip ko na matapos n'yang umamin saakin ay sinabi n'ya namang liligawan n'ya ako. I was completely speechless at the time. Nasa isip ko ay nababaliw na s'ya noong oras na iyon.
Parang mas'yado n'yang minadali...
"Para sa kapatid ko." Kaswal na sagot ko sa kanya.
Inagaw n'ya saakin ang hawak kong basket kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Ako na." Ngiti n'ya pa saakin.
Napalabi nalang ako at napatango.
"Mahilig sa puzzle ang kapatid mo?" He initiated a conversation.
"Yes," Tipid kong sagot at dumeretso sa side kung nasaan naman ang bookshelves na puno ng iba't ibang libro.
I like reading books. Hindi iyong puro librong tungkol sa pag-aaral. Hilig ko rin ang magbasa ng librong fictional. I have my own bookshelves inside my room at punong-puno lang iyon ng iba't ibang klase ng libro na iba't iba rin ang genre.
Nagbabasa ako kapag may libreng oras.
Tahimik na nakasunod saakin si Gideon. Hindi ko alam kung naiinip na ba s'ya kakasunod saakin. S'ya rin naman kasi ang nagsabing sasamahan ako kahit kaya ko namang mag-isa o di kaya'y magpasama nalang sa mga kaibigan ko.
Kumuha ako ng ilang librong sa tingin ko ay bago at wala pa sa koleksyon ko at t'yaka iyon inilagay sa basket na dala-dala ni Gideon.
"Ok na 'yan, sa counter na tayo." Sabi ko sa kanya.
"Wait," he mumbled.
Sumunod ang tingin ko sa kanya nang tumungo s'ya sa isang bookshelf na laman naman ay educational books. Kumuha s'ya ng isang libro doon at inilagay sa basket, kasama ng mga pinamili ko.
Muli n'yang akong hinarap.
"Let's go."
I nod at him. Sabay kaming naglakad. Nakahawak lang ako sa strap ng shoulder bag ko at halos matuyuan ng laway sa katahimikan naming pareho.