20

23.6K 654 197
                                    

20

"This is Roxana Fabrejas. She will be one of the individual finalists. Sa competition last year, s'ya rin ang nakakuha ng gold medal. I'm sure she will be one of the greatest competitors of all the finalists tomorrow. "

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pamumula ng pisngi sa sobrang dami ng papuring naririnig ko galing sa isang staff ng Rhythmic Gymnastics dito sa Pilipinas.

Napatingin naman saakin ang head at sandaling pinasadahan ako ng tingin bago napangiti.

"I recently heard things about you. Your tournament and competition feedback are all good." Malaking ngiti nito saakin.

Bahagya akong tumungo at tuluyan na ring napangiti. "Thank you po."

Tumango naman ito at bahagyang tumawa, tawang punong-puno ng saya. "Out of all the candidates here, I'm really rooting for your performance. Sana ay h'wag mo kaming bibiguin."

Malakas ang tibok ng puso ko at sunod-sunod na napatango dito. Bahagya akong suminghap nang matapos ang pag-uusap namin hanggang tuluyan akong bumalik sa kung nasaan si Coach Nella.

It's been the second day since we arrived in Manila. Bukas ng umaga ang flight namin papuntang Sofia.

Kahapon ay hindi ako mas'yadong nagkaroon ng interaction sa iba pang representative na kasama ko.

I'm really used to being friends with others pero ngayon ay tinatamaan ako ng hiya.

Tumutuloy kami sa isang hotel at sagot ng sports head namin ang bill nito. Gideon is also with us. He booked a room for himself.

Bago ako umalis ng La Castellana ay pinabaunan na ako ng napakaraming paalala ni mommy at daddy. Madami rin ang nagbigay saakin ng motibasyong galingan ko raw dahil lahat daw sila ay manonood ng laban ko bukas.

"Sabay-sabay daw tayong mananghalian, tapos babalik na tayo sa room pagkatapos." Coach Nella said.

Bahagya kong inayos ang buhok ko at nakangiting tumango sa kanya.

"How do you feel?" She suddenly asked

I stiffened and breathed deeply. "Sa totoo lang po, kinakabahan ako..." I chuckled. "Mixed emotions."

"Normal lang iyan, Rox. And I know na kahit kinakabahan ka kakayanin mo..." She put her hand on my shoulder. "Bukas na ang umpisa ng big day mo. Matutupad mo na ang pangarap mo. Eto na 'yon! Kung ibinigay mo 'yung best mo noon, ibigay mo rin 'yung best mo ngayon. Understand?" Seryoso nitong sabi.

My heart is beating loudly. Bukas pa naman ang competition pero pakiramdam ko ay ngayon na. Kumakalabog ng sobra ang puso ko.

Tumango-tango ako kay coach at sa kabila ng halo-halong nararamdaman ay nginitian ko s'ya.

"Yes, Coach."

"I know you won't disappoint us, Rox. You're a star. You were born that way and you will always live that way." We exchange smiles at each other before entering the hotel's restaurant.

I texted Gideon. Nasabi ko na naman sa kanya na baka hindi kami makapagsabay ng lunch ngayon kaya nangako kami sa isa't isa na pagkatapos ng lunch ay lalabas kami sandali.

Gideon:

I'll have my lunch alone, here in my room. Just text me if you're done, and I'll pick you up.

Ako:

Okay, have a good lunch!

"It feels like I'm having lunch with a vegetarian person." biro ng head habang tinitingnan ang mga laman ng plato namin.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon