08

22.8K 848 27
                                    

08

"Anong ipinaparating mo? May gusto ka saakin, gano'n ba?" Tanong ko kay Gideon.

Naghuhurumentado ang puso ko na s'yang hindi ko maintindihan. Bakit kinakabahan ako sa mga lumalabas sa bibig ni Gideon samantalang ilang beses ko na itong narinig galing sa iba...

"Paano kung gano'n nga?" He marvelously smiled at me.

Hindi ko mapigilang mainis sa pagpapaligoy-ligoy nito. Mas lalo ko tuloy naisip na baka nga pinaglalaruan niya lang ako.

I glared at him at hindi na makapagpigil na ipakita sa kanya ang naiinis kong mukha. "Stop playing with me, Gideon."

"I thought you guys had already changed! Nagpahinga lang pala."

Malalim ang naging buntong-hininga ng guidance counselor namin. Madiin ang bawat salitang binibitawan at tila nagpipigil na sigawan ang mga taong nasa harapan n'ya.

Nakagat ko ang ibabang labi. Iniiwasang maging ako ay hindi makapagpigil dito. Makailang beses akong nagpakawala ng buntong-hininga habang nakatingin kayna Gideon.

Lumipas ang araw. Akala ko magiging ayos na ang lahat at hindi na sila gagawa ulit ng kalokohan dahil nand'yan ang pinsan ni Gideon na si Imperial pero nagkamali yata ako.

Things didn't change. Tama ang guidance counselor. Nagpahinga lang sila. Nagpatuloy na naman ang kalokohan nila.

Sa ilang linggo ay ilang beses ko sila nakitang tumawid ng bakod, maka-alis lang.

They continue to violate the rules for the entire month. Minsan ay absent sila at ipinagpapasalamat ko iyon. Sana nga di nalang sila pumasok.

I sighed.

Ang masama pa ay maging ang kabarkada nilang babae ay ito at sige rin sa pakikisama sa kalokohan nila.

Halos magkakasabay lang kaming lumabas ng guidance. Mabilis pa silang napatingin saakin at ako naman itong balewala silang tinapunan ng tingin at napailing.

"Hindi ko alam kung bakit imbis na unahin n'yo ang pag-aaral ay nagawa n'yo pang gumawa ng kalokohan. Bakit hindi n'yo nalang sa labas gawin ang lahat ginagawa n'yong kalokohan dito sa loob ng school? At least your business outside wouldn't be our business anymore." Pigil ang pagtataas ko ng boses, napatingin kay Gideon na nakapamulsa namang nakatingin saakin.

"That's the reason why we do our business inside the school, so it will be your business too, Miss President." Ngumisi pa ito saakin.

Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya.

"I told you, Gideon, stop playing with me." Madiin kong sabi sa kanya at t'yaka sila tinalikuran. Ako na ang naunang umalis doon, late na rin ako sa practice namin.

May practice kami sa majorette ngayon. Next month na rin kasi ang intrams. I'm also not attending my classes, and I already took my special exam last week. Maghapon ako pumapasok para lamang sa mga activities ko.

Buti na nga lang at nagawan ko pa ng paraan na magpahati-hati sila ng oras at araw. Advantage iyon ng pagiging leader ng ilang club na meron ako. At least I can decide the time for our practices.

Tuwing hapon ang volleyball. Sa umaga naman ang booth, hanggang tanghalian iyon. After lunch ay ito namang majorette, two hours lang ang practice namin sa majorette then the next hours ay duties sa SSG. Nag-aayos na rin kasi kami ng school para sa mga event.

Bawat grade at section ay may kani-kanilang booth. Kami naman ang laging nakabantay para tingnan ang mga iyon.

Sa araw ng intrams ay p'wedeng magpapasok ng mga kakilala as long as hindi ito magiging dahilan ng gulo. Sa ibang school ay madalas bawal na magpapasok kapag intrams pero saamin ay ayos lang naman.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon