35
It's been a week since Gianna started studying at her new school. Naglakad ako papunta sa k'warto n'ya at naabutan ko s'ya roon na inaayos ang gamit niya.
Ako palagi ang naghahatid sa kanya at pati na rin ang sumusundo. Kung minsan ay nagpepresinta rin si Gideon nguni't tinatanggihan ko. Sinasabi ko naman na kaya ko.
Nito ring mga nakaraang araw mas napapadalas ang pag-iwas ko sa kanya. Hindi ko s'ya masyadong iniimikan at kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan yata namin. Well, I know it's always my fault. Alam ko palaging ako ang mali nguni't ipinipilit kong ako ang tama.
He was patient, and I hated it.
I hate the fact that I will always start a fight and then, in the end, he will be the one who says sorry. He was the one who was going to apologize.
I'm getting toxic. I'm making myself toxic because I wanted him to stop. I wanted him to stop trying to fix everything, but day by day, I'm realizing that I'm still finding his presence.
Day by day, I'm getting attached again.
It scares me.
I don't know why I'm scared of believing him. Alam ko rin naman sa sarili kong hindi rin naniniwala sa ginawa niya saakin at mas naniniwala ako nang sabihin niya saaking hindi niya magagawa 'yon.
Why am I scared?
Nakita kong sandaling napatitig si Gianna sa isang notebook na binuklat n'ya.
Sa kuryosidad ay walang tunog ang ginawa kong paglapit sa kanya upang tingnan kung ano iyong tinitingnan nya din at ganoon nalang ang pagkunot ng noo ko ng makitang puro scratch lang naman ng ballpen ang meron sa pahinang iyon.
I watched how Gianna's fist closed.
"What was that?" I asked that softly, and that almost made her jump.
Tumingin s'ya saakin nang nalalaki ang mata at nakaawang ang labi.
"Mommy!" Gulat n'yang bulaslas saakin.
I arched my eyebrow. "May problema ba? Bakit puro gano'n yung notebook mo?" Tanong ko pa.
Sunod-sunod ang naging pag-iling n'ya saakin at agad na sinarhan ang notebook n'ya t'yaka inilagay sa bag na tila ba may itinatago saakin. Nangunot naman ang noo ko at nagtataka s'yang tiningnan.
"Nanay, why are you here at my room po?" Napapalunok pa n'yang tanong.
"I'm also asking you a question, Gia. You're giving me a question as an answer to my question, is that right? Hindi ba dapat sagot ang isinasagot sa tanong hindi tanong din?"
"Wala naman po iyon, Nanay... Wala lang akong magawa kanina, that's why I scratched that page in my notebook." Pagsagot n'ya na saakin.
Sandaling naningkit ang mata ko, hindi naniniwala sa sinasabi n'ya.
Hindi na ulit s'ya nagsalita at nakanguso pang nakatingin saakin kaya wala na akong nagawa kun'di ang tumango nalang at mapabuntong-hininga.
"Bakit hindi ka pa natutulog? Mag-aaral ka pa ba?" Pag-iiba ko na ng tanong ko at tumabi sa kanya.
Ibinaba n'ya ang bag sa side table bago ako hinarap. "Hindi po, Nanay, nag-ayos lang ng gamit. Bukas na po ako mag-aaral."
Ngumiti ako at t'yaka tumango ulit sa kanya. I put my hand on her curly hair and slowly caressed it. "How's your school, Gianna? Hindi ka ba nahihirapan?"
"No, Mom..."
"Kapag nahihirapan ka sa isang lesson, just asked me like before. Hmm?" Malambing ko pang sabi.