02

35K 1K 166
                                    

02

Malayo ang tingin ko sa labas ng bintana nitong sasakyan na maghahatid saakin pauwi.

Hindi ko alam kung paanong napapayag ako ni Lofranco na ihatid n'ya ako pauwi. Basta ang alam ko lang ay ilang ulit akong tumanggi sa kanya. Sinabi kong mag-aantay ako ng tricycle na s'yang madalas kong sinasakyan pauwi saamin.

Naiinis pa nga ako sa pangungulit niya pero siya naman itong hindi tumigil. Ilang ulit ko ding ibinabalik sa kanya ang jacket n'ya pero hindi n'ya tinatanggap. Sumasakit lang ang ulo ko sa kanya kaya mas pinili kong h'wag nalang pansinin habang nag-aantay ng tricycle nguni't kumakagat na ang dilim, wala pa'rin.

Lofranco didn't leave the school; he patiently waited for me. At hindi ko alam kung bakit n'ya iyon kailangan gawin.

Then he suddenly asked me again. Sabi n'ya ihahatid n'ya nalang daw ako, magdidilim na rin daw. I said no again, motorcycle kase ang sasakyan. Hindi ako sanay na sumakay sa motor, takaw aksidente iyon kaya natatakot ako.

Nagulat nalang ako nang ilang minuto pa ang lumipas ay dumating ang isang sasakyan, turns out na sa kanya iyon.

Tuloy ay wala na akong choice kung hindi ang magpahatid sa kanya pauwi kahit hindi naman s'ya ang driver ng sasakyan.

Katabi ko s'ya sa backseat at halos idikit ko ang sarili sa isang tabi h'wag lang akong dumikit sa kanya. Hindi ko naman s'ya pinandidirihan o kung ano, ayoko lang talagang magdikit kami.

"Alam mo ba kung saan ako nakatira?" I just blurted it out.

As I looked at him and raised an eyebrow, he let out a soft chuckle.

"Alam ko, syempre..." Aniya. "Lahat naman yata alam kung saan ang bahay n'yo." Dagdag pa niya at sinalubong ang mga mata ko.

Nakagat ko ang sariling labi nang mapagtanto iyon. Oo nga, sino ba ang hindi nakakaalam ng bahay namin? Siguro meron pero iilan lang.

Nabalot ako ng pagkapahiya sa isiping kaya n'ya alam ang bahay namin ay dahil ipinagtatanong n'ya ako. Kung hindi ba naman kasi pumasok sa isip kong baka totoo nga'ng may gusto s'ya saakin, hindi din papasok sa isip ko na baka iyon ang dahilan at ipinagtanong n'ya kung saan ako nakatira.

I should not have thought of it that way. Hindi dapat ako naniniwala sa mga naririnig ko sa school lalo na kung tungkol naman iyon sa lalaking katabi ko.

"Bakit mo ako hinintay at hinatid?" Muli ay tanong ko sa kanya, lakas loob pang nilingon.

"Hmm..." Hindi na nawala ang ngisi sa labi n'ya.

I admit it. Naguwaguwapuhan na talaga ako sa kanya. Tama si Cleofa, g'wapo naman talaga. Hindi ko naman din ikinakaila.

"Masama bang magmalasakit sa kakilala?" Mapaglaro pa nitong sabi.

I clicked my tongue. Ilang ulit akong umiling sa kanya at muling nag-iiwas ng tingin.

Hindi niya na naman talaga ako dapat hinatid dahil bukod sa magkaiba ang ruta ng bahay namin, iyong bahay nila ay malapit na lang sa school samantalang 'yong akin ay malayo-layo pa. Kailangan pa tuloy nilang bumalik ngayon.

Napatunayan kong alam n'ya nga kung saan ang amin nang tumigil ang sasakyan sa mismong harapan ng gate kung saan ako nakatira.

"Am I right? Isn't this the Fabrejas Mansion?" he asked confidently.

"Yeah..." Mahina kong sagot.

"Hindi n'yo na ako kailangan ihatid pa sa loob." sabi ko sa kanya nang lingunin. Napansin ko kasing patingin-tingin na ang guard namin sa sasakyan ni Lofranco, hindi naman kasi pamilyar sa kanya kaya nagtataka.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon