THANK YOU SO MUCH 1M!! THANK YOU SO MUCH AUDENZIAS!
Enjoy Reading!
Ps: Dapat happy po tayo pero ito talaga yung chapter na gusto kong ilabas. Thank you so much! Namiss ko na magsulat!
—
I enjoy observing every movement she makes. I admire her beauty and enjoy watching her smile. Her laughs are so sweet to my ears. Hindi nakakasawang pakinggan at mas gugustuhin ko pang nga'ng irecord kung sakaling wala s'ya at kailangan ko ng pampakalma.
Bakit nga ba hindi ko ginagawa 'yon?
"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?"
Napangisi ako at mas lalong pumalumbaba sa harapan ni Cleofa. Nakataas ang isang kilay niya at nagtataka sa mas lalo kong pagtitig sa kanya. Tumigil din s'ya sa pagtawa niya kanina.
Nag-uusap lang kami tungkol sa kung ano-ano kanina at nagbiruan. She's laughing earlier at imbis na sabayan ko ang tawa niya ay natulala ako sa ngiti niya at mas lalong pinakinggan ang tunog ng boses niya.
"Alam kong nagagandahan ka saakin, Yael. H'wag mo namang ipakitang patay na patay ka saakin katulad ng kaibigan mong si Gideon sa kaibigan ko." She smirk playfully and suddenly pinched my nose.
Napatawa ako at hinuli ang kamay niyang papalayo na. Hinawakan ko iyon para pigilan at hindi nagtagal ay pinagsalikop ko ang daliri namin.
"Ang saya ko..." I said to her.
Napatigil s'ya sa pagtawa nguni't hindi nawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin saakin. "S'yempre dapat lang masaya ka! Birthday mo kaya. Deserve mong maging masaya sa bawat araw ng birthday mo." Aniya.
"Basta ba kada birthday ko kasama kita... magiging masaya talaga ako."
Ngiti ang sinukli n'ya saakin matapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Hindi ko naman mapigilang pakiramdam ko paanong lumakas ang tibok ng puso ko habang nakatitig kami sa isa't isa.
This is the best birthday. At gusto kong ulit-ulitin na makasama ang nag-iisang babaeng hindi ko inaasahang mahalin.
I remember the first time I met her. Sa totoo lang ay hindi naman ako sa kanya unang nagkagusto. Hindi ko din s'ya mas'yadong napapansin noon nguni't kagaya ng kaibigan niya ay totoong una pa'lang ay kapansin-pansin na ang ganda ni Cleofa.
Nagkagusto ako kay Roxana na ngayon ay girlfriend na ng best friend ko. I'm happy for them since parehas naman sila ng nararamdaman at ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng kung anong panghihinayang kahit pa nagkagusto ako kay Roxana.
Siguro ay nagustuhan ko lang s'ya dahil humahanga ako sa kanya. Pero nang makasama ko at makausap ko si Cleofa ng ilang beses, madaling nabaling ang atensyon ko sa kanya.
When I met Cleofa, I have no interest to have a girlfriend at all. I honestly didn't want to get involved with anyone. Damn, I never see it coming. She's so easy to be with. We clicked and little by little, I saw myself falling.
I admit that I'm a playboy but I never had a girlfriend.
Si Cleofa lang.
S'ya lang ang sineryoso ko at gusto ko talagang maging girlfriend.
I love her. Madami kaming pinagkatulad at sino nga bang hindi mahuhulog sa gaya niya? Cleofa is the best person I've ever met. She's strong and kind.
"Bakit mo ako nagustuhan, Yael?" Maya-maya ay tanong pa nito.
Nakatanaw kaming parehas sa view ng Cafe na pinagdalhan ko sa kanya. Kaarawan ko ngayon at talagang hiniling kong makasama s'ya sa araw na ito. Mabuti nga at hindi niya tinanggihan.