16

20.6K 751 283
                                    

16

Energy comes from passion. Feel the power that comes from concentrating on what makes you happy.

A small amount of progress each day adds up to a big outcome.

Hindi ko akalaing paunti-unti ay matutupad ko na ang pangarap ko. Paunti-unti ay magagawa ko nang makatapak sa ibang bansa para ipakilala ang sarili kong inirerepresenta ang bansang ito.

Bahagya kong pinadapo ang daliri ko sa gold medal na nakuha ko sa competition gano'n na rin ang certificate.

"Congratulations!" Mainit na yakap ang kumulong saakin ng dumating ako sa bahay. Ganoon nalang nag gulat ko ng makita ang tila party na inihanda nila mommy.

Madaming tao sa loob ng bahay namin at karamihan pa doon ay ka schoolmates ko.

I returned her hug as I began to shed tears. May banner pang nakalagay sa taas ng itinayo nilang stage.

"Congratulations, Ate!"

Napangiti ako ng dalhin saakin ni daddy si Miro na buhat-buhat n'ya para yumakap. I carry him and hug him back.

"Thank you, baby. Bumibigat ka na. Sa susunod 'di ka na kaya ni ate." Biro ko pa t'yaka s'ya hinalikan sa pisngi.

Lumapit saamin ang ilang malapit na kakilala nila daddy. They congratulate me, and I thank them.

Walang mapaglagyan ang saya ko ng dahil doon. Napakasimple ng celebration nguni't punong-puno ng kasihayan ang nararamdaman ko.

Kanina... Kanina muli kong narinig ang paborito kong musika. My eyes saw my leotard. My ears hear the music and my nose smells my accomplishment. 

"Congratulations, hija. We are routing for your next competition. Alam kong hindi mo kami bibiguin lalo pa at bansa na ang sunod mong irerepresenta." Sabi saakin ng tumatayong Mayor ng La Castellana.

My lips twitched and I smiled at him. I bowed slightly before nodding to him. "Makakaasa po kayo, Mayor Alcantara." Sabi ko pa.

Pagkatapos naming bumati sa mga kakilala ng mga magulang ko ay dinaluhan ko ang ilan kong mga kaschoolmates.

"Congratulations, Miss President!"

Napangiti ako nang makita ang grupo ni Gideon, s'ya lang ang wala sa apat na ito.

"Thank you." sagot ko kay Yael na naunang bumati saakin.

"Congrats," ani ni Joshua.

I smiled as I nodded. "Thanks."

"Si Gideon ba?" Tanong pa ni Daniel na s'yang ikinaawang ng labi ko.

"Wala pa ba dito? Ang alam ko kase ay nauna sila nila Imperial."

Nauna kasi silang umuwi saamin. Si coach Nella ulit ang kasabay ko dahil may mga ilang inayos pa kami sa Bacolod. Noong una ay gusto n'ya sanang s'ya ang maghahatid saakin nguni't sinabi kong hindi pwede dahil may kailangan pa talaga kaming gawin.

"Ayan na pala..." Anang ni Nick habang nakatingin sa likuran ko.

Agad akong napalingon at bahagya pang napakurap ng sumalubong saakin ang isang jacket. Pumatong iyon sa likuran ko.

Napaawang ang labi ko habang nakatingin kay Gideon.

He looked at me. "Mas'yadong maikli 'yung suot mo. Malamig." Aniya.

Ngumuso ako at bahagyang nagbaba ng tingin sa suot kong halter top at shorts. Masyado nga namang maikli ang suot ko...

"Saan ka galing?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon