38

25.6K 791 247
                                    

38

You're an idiot, Roxana Imelda.

You're an idiot.

Pinunasan kong muli ang luha ko bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Kauuwi ko lang nguni't hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging usapan namin ni Yael.

Shiela, Shiela Angela. Yes, I remember now. She's Imperial's sister. 

How could I have forgotten?!How can I assume that she's Gideon's mistress?

She's also a brat... It was her fault. How can he say that she was Gideon's girlfriend? Bakit n'ya akong pinaglaruan noon? Anong ginawa ko sa kanya?

Ugh! She's a real brat!

Gideon chose to fail his engineering course and switch to his college course... He's a lawyer, so it's possible that he was the one who opened the case. Possible din na s'ya ang nagpanalo ng kaso...

Gideon... What did I do to deserve you?

Tulala ako ng pumasok sa loob ng bahay namin. Inaasahan kong wala akong maabutan ni isang tao lalo na at maghahating gabi na. Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Yael ay mas pinili kong bumisita muna sa puntod ng pamilya ko at ni Cleofa. I stayed there.

I stayed there for I don't know how many hours. Ala-una ng dumating ako sa sementeryo at sa tingin ko ay pasado alas-otso na ng gabi.

Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng oras.

Tumulala lang naman ako doon habang nag iisip pagtingin ko gabi na. Dead battery na yung phone ko.

I did a very wrong action. I keep pushing Gideon away. Nasaakin na ang hinihingi ko sa kanya... And I remember, he said that he was tired. Paano kung pag-uwi ko wala sa bahay si Gideon at tuluyan na akong sinukuan? Paano kung umalis na s'ya? Paano kung iniwan n'ya na ako?

"Saan ka galing?"

Ganoon nalang ang panlalamig na naramdaman ko ng marinig ko ang tinig na iyon. Natigil ako sa paglalakad at agad na napalingon sa kaliwa ko. My heart beat rapidly when I saw Gideon sitting on the couch at deretso ang tingin saakin.

Bigla nalang nangilid ang luha ko habang nakatingin sa kanya.

"G-Gideon," I almost whispered.

Tumayo s'ya at nakapamulsang hinarap ako. Nakikita ko ang pag-aalala sa mata n'ya na agad ding tinatabunan ng malamig n'yang tingin saakin.

"Alam mo bang kanina ka pa naming hinahanap? Yung phone mo tinatawagan ko kanina pa tapos bigla ko nalang hindi macontact. Si Gianna kanina pa ring hindi makatulog kakahintay sa 'yo. Saan ka galing, Rox? Hindi mo man lang ba naisip na may naghihintay sa 'yo at nag-aalala kasi umalis ka ng walang paalam at uuwi ka dis-oras ng gabi?" Kunot-noo pa n'yang sermon saakin.

Suminghap ako at imbis na matakot sa sermon n'ya ay bigla nalang akong lihim na napapangiti. Lumapit ako sa kanya ng marahan habang hindi pinuputol ang titigan sa pagitan namin.

"Rox-" I cut him off by hugging him.

"Sorry... Sorry, sorry hindi ako nag-iisip... S-Sorry pinag-alala ko kayo... Sorry hindi kita pinapakinggan... S-Sorry..." Bulong ko at nagsimulang humikbi.

Nakita ko kung paano s'yang natigilan at tila nabato sa kinatatayuan n'ya nang dahil sa ginawa kong pagyakap. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib n'ya at doon humaguhol ng iyak.

"Sorry, Gideon... Sorry... Please... H-H'wag mo akong iiwan, ha? H'wag mo kong iiwan..." I said in between my sobs.

He slowly hugged me back. "Hindi Rox... Hindi kita iiwan..." bulong nya na sya mas lalo ko lang atang ikinaiyak imbis na tumahan.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon