Epilogue
"Bakit hindi mo pinansin iyong nag-iisang anak ng Fabrejas?"
Napatingin ako kay mommy nang tanungin n'ya nalang ako bigla matapos kong seryosong sundan ng tingin ang batang babaeng iyon na sa tingin ko kasing edad ko din naman na halos malukot ang mukha sa pagkasimangot nang hindi ko pansinin matapos kaming ipakilala sa isa't isa ng mga magulang namin.
I blinked. "Mukhang masungit," wala sa sarili ko nalang na nasabi na s'yang ikinailing ng mga magulang ko saakin.
"Hindi masungit ang batang iyon, Gideon. Mas matanda ka lang doon ng isang taon. Napakalambing ng batang iyon, mabait at maganda."
Oo nga... Malambing nga, lalo na ang boses. Mabait naman talaga at maganda...sobra.
"Hayaan mo na, Louisa. Kilala mo naman ang anak mo, halos lahat ata ng babae ay iniiwasan n'yan. Umiiwas din ang babae sa kanya dahil akala ay laging may galit sa mundo ang itsura." Nakuhang biro pa ni daddy bago bahagyang ginulo ang buhok ko.
I licked my lips as I look at 'that girl' again. She's so fine. She's really pretty and her almond eye shines. Lihim ko s'yang tinitigan at wala din sa sariling napapangiti tuwing magpapanggap akong hindi nakatingin sa kanya kapag dadako ang tingin n'ya saakin.
Isa sa mga kasyoso ng pamilya ko ang mga Fabrejas. Kilala ang pamilya nila dito sa La Castellana at gano'n din ang amin. They're rich and hold a famous law firm.
Matapos ang unang beses na makilala ko ang nag-iisang babaeng anak ng Fabrejas ay napapadalas na din ang pag-uwi ko dito sa La Castellana.
Sa Maynila kasi ako nag-aaral dahil nandoon din ang dalawa kong babaeng pinsan. Tuwing summer at vacation ay palagi akong umuuwi sa La Castellana hindi para bisitahin ang pamilya ko kundi para masulyapan si Roxana Imelda.
Natutuwa kasi ako tuwing may okasyon sa bahay at palihim kong nakikita ang bawat titig at sulyap n'ya saakin. Patagal nang patagal ay mas nakikita ko ang ganda n'ya. Mas lalo s'yang gumaganda...
I'm attracted to her. I like her. Boys at my age said that it was normal to admire a girl. Ang iba ay palaging sinasabing hindi lang pwedeng isang babae ang magustuhan mo, pwede rin namang madami.
But in my case, I'm seeing myself being attracted to just only one girl.
"Happy birthday," Seryoso kong bati sa araw ng kaarawan niya at inabot ang dala-dala kong regalo.
Sa totoo lang ay gusto ko na talagang ngumiti lalo pa at nakita ko kung paanong namilog ang mga mata niya nang makitang naglahad ako ng paper bag sa harapan niya.
Paulit-ulit s'yang napakurap at tila ba namamalikmata saakin.
I bit my lip. Tumikhim ako at pigil ang ngiting sumulyap sa mukha niya. "Ayaw mo bang tanggapin? Nangangalay na ako." Marahan kong sabi sa kanya.
I heard her gasp. She looks at me innocently and pouted her lips. "T-Thank you..." Tila ba nahihiya niyang sabi at pinalobo ang pisnging inabot ang regalong ibinibigay ko bago ako tinalikuran para harapin ang mga magulang niya.
"Mommy!" She called her mom like an innocent crying baby.
Hindi ko na talaga mapigilan ang ngiti ko lalo pa nang marinig ko ang tawa ng mga magulang ko mula saaking likuran.
Sa totoo lang ay kasagsagan ng pasukan ngayon sa Maynila nguni't nang masabi saakin ng mga magulang ko na magkakaroon ng selebrasyon ng ika-pitong taon ni Roxana ngayong ika-29 ng Mayo ay walang alinlangan akong nagsabing uuwi dito at dadalo kasama nila.
May 29, tumatak saakin ang araw na iyon dahil iyon din ang araw na unang beses ko s'yang naisayaw sa harapan ng marami. Her seventh birthday seems like a debut. Mayroon s'yang seventh roses at hindi ko alam kung paanong naligaw ang pangalan ko sa listahan ng mga malalapit ng kaklase. But I'm thankful that I had a chance to dance her kahit hindi niya ako kinausap at nakaiwas pa ang tingin saakin habang sinasayaw ko s'ya.