13
"Tara na?" It was Sunday morning.
Gideon called me last night. Nagyayayang lumabas daw kami ngayong linggo.
Everything happened so fast. Hindi ko makalimutang sa unang pagkakataon ay overall champion ang Stem noong intramurals. Ilalaban pa ang mga varsity namin sa regional.
Natapos ang buong isang linggo ng intramurals na puno ng issue ang school tungkol saamin ni Gideon.
Noong una ay naiilang talaga ako, but he didn't seem to mind. Ni hindi n'ya binibigyan ng pansin ang mga usapin tungkol saamin. Lagi pa kaming magkasama sa school.
Kung siguro hindi kami nagkaayos, talagang maiinis ako sa pabuntot-buntot n'ya. But then everything changes. I'm comfortable with him. I liked the way he cared for me.
Nakikita at mas nakikilala ko ang totoong side ni Gideon.
He's sweet and protective. Hindi lang saakin na nililigawan n'ya kun'di maging sa pinsan n'yang.
Nililigawan na rin kasi noong si Jeremy, 'yung captain ng football team ng school namin si Imperial. 'Yun din ang lalaking humalik kay Imperial na nasuntok ni Gideon.
Ayaw daw ni Gideon sa Jeremy na iyon. Sa totoo lang ay wala namang ipinapakitang masama 'yung tao. Si Imperial naman halatang may gusto rin dito.
Para saakin naman, kung saan masaya ang kaibigan ko ay doon ako.
Cleofa seems ok now. Saaming tatlo ay s'ya itong tahimik ngayon ang buhay. Sabi n'ya focus muna raw s'ya sa pag-aaral lalo pa at isinugod sa ospital ang lola Melva n'ya noong nakaraang linggo at hanggang ngayon ay naka confine pa ito.
I am worried about Lola Melva. Masyado na ring napalapit saakin si lola Melva kaya naging sobra rin ang pag-aalala ko.
Kapos ang pera na meron si Cleofa kaya tumulong kami ni Imperial sa kanya. Ayaw n'ya na namang tanggapin nguni't pinilit namin. Ngayon ay medyo mabuti na naman ang kalagayan ni lola, siguro ay pwede na ring uuwi sa mga susunod na araw.
"Saan tayo?" Tanong ko kay Gideon nang nasa sasakyan na kami.
Sinundo n'ya ako sa bahay mismo at nagpaalam pa kay mommy at daddy.
Oh well, natuloy din ang pagkausap ni daddy kay Gideon. Grabe ang kaba ko noong araw na iyon. Nasa isip ko ay baka magalit si daddy at katulad sa nababasa ko ay hindi n'ya ito magustuhan.
Gladly, everything turned out well.
My parents like him.
For the first time, my parents liked someone for me.
"Sisimba tayo." Sagot nito saakin.
I smiled. "Bakit doon mo naisipang dalhin ako?"
Sumulyap s'ya saakin, gumuhit din ang ngiti sa labi. "Wala lang, gusto kitang ipakilala kay God."
My lips parted and chuckled softly. "Hindi ko alam na makadiyos ka pala." biro ko.
"Ano namang palagi mong dinadasal?"
He playfully looked at me. Mapaglaro ang ngisi n'ya bago ibinalik ang tingin sa daan upang ituon ang pansin sa pagmamaneho.
"Ipinagdadasal ko palagi na sana maging akin ka..." banat n'ya.
I bit my lower lip. Umiwas ako ng tingin ng muli n'ya akong sulyapan. Nag-iinit ang pisngi ko.
I heard his chuckles. "I'm not lying. Iyon nga ang lagi kong dasal sa kanya. I always pray that one day you will look at me the way I look at you."