Chapter 46: Lingerie

6.2K 204 132
                                    

~46~

"Where's your coat?" nakataas ang kilay na tanong ni Caela nang makabalik si Hiro sa inuukupahan nilang mesa. Halata sa mukha nitong hindi ito natutuwang maiwan kasama si Taki na kasalukuyan namang nilalantakan ang gyoza sa hawak-hawak na platito.

Halos kararating lang din ng kaibigan niya sa gusaling iyon, ang Newport Theatre, kung saan gaganapin ang venue ng business launch. Galing na din sila sa loob kung saan mismo idadaos ang ang fashion show ng mga modelo ng Elle Couture, ngunit pinasya muna nilang lumabas sapagkat hindi pa naman pala magsisimula iyon. Ayon sa announcement ng master of ceremony, may ilang panauhin pa daw na hinihintay.

"Masarap pre? Pahingi nga."

Tango lang ang naging sagot ng kaibigan bago inabot sa kanya ang platito. Bago pa iyon makuha ni Hiro ay nagawang hablutin iyon ni Caela dahilan ng pagtapon ng mga gyoza. Hindi alintana ng dalaga ang pagsinghap ng mga nakasaksi at ang mabilis na bulungbulungan sa pangyayari. Sa kabilang banda, mabilis namang rumisponde ang mga crew na agad na nilinis ang kalat.

"I was asking you! You've been ignoring me since we came here. What. Is. Your. Problem!"

Marahas na napahugot ng hininga ang binata at pilit na nagpakahinahon. Alam niya kung gaano kalaki ang pagtitipong iyon. Hindi lamang reputasyon ng pamilya niya ang nakasalalay.

"Pakiusap. Huwag kang mag-eskandalo dito," himig-pagbabantang saad niya habang matamang tinignan ito ng matiim sa mga mata. "Iniwan ko sa sasakyan ang coat. Louie doesn't like it, remember?" Pagkatapos siyang pagtawanan ng kapatid kanina at tuksuin sa suot niyang coat ay naasiwa na siyang isuot iyon.

Narinig niya ang pag-ismid ni Caela nang banggitin niya ang pangalan ng kapatid. "Tell me. Is she really your girlfriend?"

"She is."

"I don't know. Something's off. I just can't figure out what. Look's like she doesn't care that we're together. She doesn't look like a jealous girlfriend too," nakahalukipkip pang saad nito habang nanunulis ang nguso.

Hindi niya napigilan ang lihim na pagngisi. Kanina lamang ay nakatikim na naman ito sa kapatid niya nang magsagutan ang dalawa sa harap mismo ng milktea booth. As usual, hindi na naman ito nanalo sa pakikipagsagutan kay Louie.

"Because she trusts me. She knows that I won't ever cheat on her," sagot naman niya at sinipa ang paa ni Taki nang marinig ang pekeng pag-ubo nito sa sinabi niya.

"Whatever. I don't like her."

"I think Louie feels the same. The feeling's mutual, so you don't have to worry," natatawa namang komento ng kaibigan niya.

Nilingon ni Hiro si Taki sa narinig. "English 'yon pre ah, hahahaha."

"Lul! Minsan na nga lang, hahaha. Nakakahawa kasi 'tong hilaw mong-"

"Shut up! I didn't ask for your opinion," asik ni Caela kay Taki na kibit-balikat naman ang naging sagot.

Hindi na pinansin ni Hiro ang dalawa nang may mamataan siyang pamilyar na pigura na dumaan sa harap niya. Sinundan niya iyon ng tingin at nakita niyang papunta ito sa buffet table. Dala ng matinding curiosidad ay saglit siyang umalis upang lapitan iyon, ngunit mabilis pa rin siyang napigilan ni Caela bago pa makalayo.

"Where are you going again? Can you just stay in one place?"

"Kukuha ako ng pagkain," mabilis na sagot niya dito. "Mo," dagdag at pinagdiinan pa niya ang huling kataga.

"Oh. How sweet of you. Go ahead, my Hiro!" Kusang lumapad ang pagkakangiti ng dalaga habang kunyaring may iniipit na buhok sa likod ng tenga.

Sabay silang napailing ni Taki sa pabago-bago ng mood nito. Sa pagkadismaya ni Hiro, ay wala na ang hinahanap nang makarating siya sa buffet table.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon