Chapter 2: Musically Inclined

16.3K 222 23
                                    

 _________________________________________________

"You know where she is? Thank God, you finally found her. I want to see her. Prepare the car."

Narinig ni Hiro ang pag-uusap ng ama sa telepono ng akmang papasok siya sa library. Hindi niya maiwasan ang hindi ma-curious.

"Siobe..." usal ng kanyang ama sa isang malungkot na tinig.

Sino kaya ang tinutukoy nitong Siobe? Malakas ang kutob niya na may kinalaman sa portrait ang tinutukoy ng ama.

Lumingon ang ama niya sa gawi niya at laking gulat niya ng nakangiti itong binati siya.

"Oh hijo, hindi ba't may pasok ka? Nakapag-almusal ka na ba?"

"Six pa lang Dad at Seven thirty pa ang pasok ko. I'm done eating. Magpapaalam sana akong gagabihin mamaya. Doon muna ako kina Jake, may practice kami sa banda."

Electric guitar ang hawak niya. Kakasimula niya pa lang sa naturang banda. Nakita lang siya minsan nina Jake na magaling humawak ng gitara kaya siya napasali. Kinahiligan na niya ang musika at paghawak ng kung anu-anong instrumento kapag walang siya sa mood magpinta. Sa katunayan ay mahilig talaga siya sa musika at sining. Patunay ang mga life size charcoal paintings, anime sketches, malalaking origami at mga musical instrument sa malaking silid na inilaan ng mga magulang niya sa kanya para magsilbing studio niya. Dati ay mga laruan niya ang nandoon pero ng madiskubre ng ina na nawiwili na siya sa pagpinta ay pina-convert na nito ang kwarto. Wala mang reaksyon ang kanyang ama ay hindi naman nito iyon tinutulan.

Ang inaasahan niyang sisinghalan naman siya ng Daddy niya at pagsasabihan sa pagsasali niya sa banda ay hindi nangyari. Laking gulat niya ng pumayag ang ama.

"Ganon ba? Just be home before 10pm. Tumawag ka sa driver na sunduin ka. Alam mo namang delikado na ngayon ang panahon. I don't want to risk your life because of my death threats," bilin nito sa anak.

Bahagya namang sumaya ang pakiramdam ni Hiro sa pag-aalala ng ama. Ngayon lamang ito nagparamdaman ng ganoong saloobin.

"Okay Dad. Sige po, aayusin ko lang ang gamit ko."

"Go ahead son," nakangiti pa ring sabi nito.

May pagdududa man sa biglang pagbait ng ama ay hindi na niya pinag-isip ang sarili. Unti-unti na nga sigurong lumambot ang matigas nitong puso.

***

"Hiro my loves!"

"Hiro I love you!"

"Hiro I'm begging you to marry me!"

Hindi magkamayaw ang mga babae sa kakatili kay Hiro. Halos marindi na din ang tenga niya sa lakas ng boses ng mga 'to habang naggigitara siya sa gitna ng stage.

Pero sa mga ganitong eksena siya natutuwa. Maingay, maraming tao at higit sa lahat ay ang atensyon na binibigay sa kanya. 

Kabaligtaran kasi ng nangyayari sa mansyon nila kung saan halos bihira na silang nagkikitang tatlo ng kanyang mga magulang. Ang Mommy niya kasi ay laging kasa-kasama ng ama sa mga business trips at meetings kaya lagi siyang naiiwan.

He was told that his only goal is to study well. Pero may mga pangangailangan din siya bilang anak. Kung kaya lumaki si Hiro na kulang sa pansin. Yung tipong feeling close.

Minsan, umiiyak na ang mga babae sa lakas niyang mang-asar at napipikon sa kanya ang mga kaklaseng lalaki sa tindi niyang magbiro. Pero sa tuwina'y pinagtatawanan niya lang ang mga iyon. Kilala siyang masayahing tao sa labas ng bahay. Pero ang totoo'y isa siyang introvert. Walang nakakaalam ng totoong saloobin niya bukod sa sarili. 

"Please ladies, bata pa po ako. I'm just fourteen. At strict ang parents ko," sabi ni Hiro sa pabirong tono ng matapos ang kanta at nagpaalam na sa lahat. Nagtawanan naman ang mga audience.

"Hihintayin kita Hiro!"

"Hihintayin ka namin!"

Sabay-sabay na sabi ng mga 'to na sinagot lang ng matamis na ngiti ng binatilyo at mas ikinatili pa ng mga 'to.

"Naks Hiro, andami mo namang admirers, pa-kiss nga pre!" Asar dito ng kabanda na si Miguel ng nasa backstage na sila at nag-iimis ng mga gamit. Drummer naman ito.

Ngumuso si Hiro at pabirong inilapit ang mukha para kunwang hahalikan si Miguel. Nanlaki ang mga mata nito sa ginawa ng binatilyo.

"Ulol!" Sabi ni Miguel.

"Siraulo ka pala eh, sabi mo kiss. Madali naman akong kausap. Ano? Ayaw mo ba? Wala pa akong first kiss 'tol. Pagkakataon mo na 'to. Tara. Saan mo gusto?"

"Gago ka talaga! Tigilan mo nga yan kinikilabutan ako sayo. Isa!" Tulak dito ni Miguel ng akmang lalapit si Hiro.

"Ayan na namang si Hiro. Inunahan mo kasi eh," sagot naman ng leader nilang si Jake na natatawa lang sa kanila.

Lihim namang pinagtatawanan ni Hiro si Miguel halatang takot sa tinig nito.

Uumpisa-umpisa ka, mandidiri ka din pala ha. Hahahaha. Sabi nito sa isip.

Dahan-dahan lumapit si Hiro at pinakatitigang mabuti si Miguel. "Miguel, sa totoo lang matagal na kitang gusto kaso..." akmang hahawakan ni Hiro ang pisngi nito ng iumag ng lalaki ang kamao sa mukha niya.

"Sige, subukan mo lang! Babangasin ko yang makinis na pagmumukha mo! Nakakadiri ka talaga!" Pikon na sabi ni Miguel sa kanya.

"Pwe! Ano ba yang kamao mo, ang pangit ng lasa, hindi ka yata naghugas kanina pagkatapos mong umihi eh. Na-turn-off na ko. Yaaaak!" Kunwang nandidiri pang sabi ni Hiro. Humagalpak naman si Jake at ang dalawa pa nilang bandmates na sina Dave at Austin.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon