Chapter 38: Training

7.6K 172 52
                                    

~38~

 

Malakas na sinuntok ni Hiro ang pader ng maliit na comfort room pagkatapos niyang i-lock iyon.

He felt frustrated as hell yet he knew that he couldn’t do anything about it. That he’s undeniably under his father’s mercy.

Sa dalawang linggong pagiging service crew niya sa fast food chain na iyon ay kulang na lang bumigay ang katawan niya sa demand ng trabaho. Bawal silang umupo kaya sa walong oras na shift, walong oras din siyang nakatayo. Pwera sa tatlumpong minutong lunch break na parang hindi din halos naramdaman ng pang-upo niya ang relief dahil mas ininda din ng sikmura niya ang gutom.

Rotation ang trabaho nila kaya hindi lang siya taga-serve ng pagkain, he was also assigned at the kitchen preparing food, washing the dishes, clearing the tables or mopping the floor. Minsan ay lumalampas pa sa walong oras ang shift nila dahil sa meeting at paglilinis na din ng buong restaurant kapag nataong panggabi siya.

Hindi pa diyan nagtatapos ang kalbaryo dahil tuwing Sabado naman ay nakatoka siyang mamigay ng flyers sa pampublikong lugar. Hindi siya pwede umuwi pag hindi niya naubos ipamigay ang sampung libong flyers na iyon. Kasama iyon sa 'training' na sinasabi ng kanyang ama.

And Sunday was allotted for his one-on-one lecture with his Dad’s personal secretary upang matutunan niya ang pasikot-sikot ng kumpanya nila. He was so packed up that he wanted to vomit everything.

Sa unang linggo ng pagpasok sa trabaho ay nahirapan siyang mag-adjust dahil nataong opening ang shift niya. He had to wake up seven in the morning and have an hour to prepare upang makarating sa trabaho bago mag-alas nueve y media. The store opened around 10 am. He had to admit na isa sa mga nagpapadagdag ng pagod niya ay ang balikang pagcommute papunta sa trabaho.

Yes, Lorenzo was very kind enough upang ipadama sa anak niya kung gaano kahirap makipagsabayan sa pagcommute sa umaga pati ang pag-uwi ng rush hour sa gabi.

Hiro didn't know how his father managed to hide his real identity para hindi malaman ng iba na anak siya ng may-ari ng fast food chain na iyon. Well, his father co-owned the corporation at isa lang ang pinapasukan niya ngayon sa limang daang branches na nagkalat sa buong Pilipinas. He also didn’t know how his fake credentials made the whole management believe that he was eighteen years of age and an undergraduate of a two-year vocational course.

 

The wonders that only a Lorenzo Kwok can do.

Kung sabagay, Lloyd Ang lang din ang sinabi ng ama niya na pansamantalang pangalan niya habang nagta-trabaho sa fast food na iyon, as to prevent too much hassle later on.

Kaya hindi din masyadong nakikipagkaibigan si Hiro sa mga kasama. He avoided having conversation with them and just focused on doing his goddamn job.

 

And I miss my goddamn bed everytime my legs hurt like this.

Pero alinman sa dalawa, mas gugustuhin pa ni Hiro ang mamigay ng flyers at makinig sa head-cracking lectures ng sekretarya ng ama kaysa ang nakakapagod na trabaho ng pagiging crew.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon