Chapter 28: Spoiled brats

11.2K 182 103
                                    

_____________________________________________________

Dalawang linggo nang nakalabas ng ospital si Hiro.

Sa katunayan ay lumalabas labas na ulit siya ng bahay. Sumama din siya sa paghatid sa kapatid sa airport nang lumipad ito patungong Canada upang doon mag-aral. Ikinalungkot man niya ang ideyang iyon ay wala naman siyang magagawa dahil nakapagdesisyon na ang kapatid. Tanging konswelo na lamang niya ay ang pangako nitong lagi siyang kakamustahin at kontento naman siyang sumang-ayon.

Sa ngayon ay plano niyang asikasuhin ang enrollment sa papasukang paaralan. Nagkaroon siya ng lakas ng loob na pagdesisyunan ang nais dahil na rin sa pag-uusap nila ng kapatid.

Do what you want if you think it will make you happy. Mas masayang mag-aral kapag gusto mo ang kurso mo, naalala niyang saad ng kapatid.

"Saan ka pupunta?"

Napatigil si Hiro sa pagmuni-muni at akmang pagpasok sa front seat ng sasakyan ng marinig ang tinig ng nagsalita. Napangisi siya ng lingunin ito. "Uy akalain mo yun, may taong grasa palang pakalat kalat sa subdivision namin?" saad niya sa pabirong tono.

"Ulol. Nauna pa kami ng pamilya niyo dito sa sub haha. Balita ko na-ospital ka daw. Kamusta?" kaswal na tanong nito sa kanya.

Lagi niya itong tinatawag na taong grasa dahil sa apelyido nito. Napangisi na lamang siyang muli sa sinabi ng kausap.

"Ayos naman. Eto buhay pa, nakakausap mo nga eh ahaha," pilosopong sagot ni Hiro.

Hindi naman nito pinansin ang pagbibiro niya.

"May kapatid ka pala? Nakita ko sa tv, ang ganda niya ah."

Tumaas ang isang kilay ni Hiro sa narinig. Biglang umusbong ang pagiging overprotective sa kapatid kahit batid niyang simpleng pahayag lamang iyon ng kausap. "Syempre, walang pangit sa pamilya namin."

"Yabang. Saan ka pala pupunta?" tanong nito kapagdaka.

Sumandal muna siya sa pinto ng sasakyan habang humalukipkip at saglit na nag-isip.

"Hmm. Yaman din lang na usisero ka, tara samahan mo na lang ako. Wala ka naman sigurong gagawin di ba?" tanong ni Hiro sa kaibigan.

Tumango ito. "Aayain nga sana kita somewhere, sige."

Mabilis na lumigid ito sa passenger seat at pumasok kaya sumunod na din siya at pinaandar ang sasakyan.

It was Taki Emmanuel Grasa. Ilang bloke lang ang pagitan ng bahay nila sa subdivision na iyon. Kaklase niya din ito noong first year high school. Sa katunayan, ito ang laging kasa-kasama niya noong naging magkaklase sila.

Kung may isang bagay man siyang hindi makakalimutan sa kaibigan, iyon ay ang...

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon