Chapter 36: Threat

8K 151 91
                                    

____________________________________________________

Isang linggo nang hindi pumapasok si Hiro at mas pinasya niyang manatili sa condo kaysa sa mansyon nila sa Manila.

His father managed to freeze all of his accounts including his credit cards, confiscated his cellular phone, installed CCTVs all over his condo unit so he could monitor his every move inside and even prohibited him from contacting his sister.

 

Na halos hindi na din naman nag-oopen yata ng skype nito simula pa noong June kaya parang wala ding kwenta, tss.

Only his wifi connection was the only thing that keeps him sane, but even so, there’s a software installed where it can monitor what he’s been viewing and surfing in the internet.

 

This is pure hell, Dad!

He may have a whole year stocks of food in his cupboards and fridge, but he still was bored as hell. Ni hindi niya makontak ang kaibigang si Taki dahil maging ito ay hindi na pinahintulutan ng kanyang ama na bumisita sa kanya. And last time he checked, Taki was also grounded for lending his car to Hiro.

Nais niyang kastiguhin ang sarili dahil nadamay pa ang kaibigan niya sa pagrerebelde sa ama.

At si Charlotte.

Saglit siyang naawa para sa dalagita nang maalala niya ang takot na bumadha sa mukha nito nang pagsabihan ito ng kanyang ama.

 

Hindi na dapat nadamay si Bubuwit…

His father was really ruthless.

“Aaaahhh!” malakas na sigaw ni Hiro out of frustration bago mabilis na tinungo ang computer monitor at nagpasyang maglaro na lamang ng League of Legends.

***

"Lorenzo naman, balak mo bang patayin ang anak mo?"

Kunot-noong inangat ni Lorenzo ang tingin mula sa binabasang dokumento nang walang anu-anong pumasok ang esposa sa pribadong opisina niya sa mansyon. Umupo ito sa tapat niya bago ipinatong ang dalawang kamay sa mesa.

"I don't understand why you are implying na tila hindi pinapakain si Hiro. Halos pinuno na nga ng stock ng pagkain ang condo ng anak mo," iling-iling na saad niya at muling ibinalik sa dokumento ang tingin.

"You know that’s not what I meant. Bakit hindi mo kasi siya kausapin nang masinsinan? Para mo namang unti-unting pinapatay ang anak mo sa ginagawa mong pagkulong—"

"Your son is not a prisoner. He just doesn't want to go out because he's ashamed of what he did. At alam mong hindi uubra ang mahinahong usapan sa anak mo because we'll end up yelling at each other."

Marahang inabot ni Lorenzo ang tasa ng kape at saglit na uminom bago tuluyan nang kinuha ang salamin sa mga mata. Pinasya niyang pansamantalang itigil ang binabasa bago hinarap nang tuluyan ang asawa.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon