~41~
Dali-daling ipinarada ni Hiro sa bakanteng lote na siyang parking area ang asul na convertible Ferrari. Hindi niya pinansin ang namamanghang tingin ng mga kababaihan at ang hayagang pagka-inggit sa mata ng mga kalalakihan nang tuluyang makalabas siya ng kotse.
Lalo lamang nadagdagan ng paghanga ang mapanuring mga mata ng mga estudyante nang mapagsino ng mga ito ang nagmamay-ari ng sasakyan. Hindi na bago kay Hiro ang tapunan ng ganoong klaseng tingin ngunit wala siyang panahong makipagpalitan ng palakaibigang ngiti sa mga oras na iyon.
Lalo't lumampas siya ng limang minuto sa usapan nila ng kapatid.
Bago makalimutan na i-lock ang kotse ay kinuha muna niya sa passenger seat ang sapatos mula sa loob ng box— na noo'y nasa mismong paper bag pa naman. Iniwan niya ang galaxy gear at Samsung note sa backseat ng kotse. Hindi pa man siya tuluyang nakapasok sa gym ay tila nakaramdam na ng tensyon si Hiro sa paligid. Saglit siyang napatigil sa paglalakad dahil doon.
Hindi niya alam kung siya lamang ba iyon o tila pigil hininga na ang mga taong nasa loob ng gym?
Sa diretsong tingin ay agad na namataan ni Hiro ang kapatid. Nakatalikod man ito sa kanya ay hindi niya maikakailang si Louie ang nakasuot ng running shorts at plain white shirt. Nakapusod din ang tila may kahabaan na nitong buhok. May kausap itong matangkad na lalaki na base sa suot nitong uniporme ng basketball at mismong tindig ay nasisiguro ng binata na isa itong manlalaro ng unibersidad na iyon.
At hindi lang yata ordinaryong manlalaro.
Muling ibinaling ni Hiro ang tingin kay Louie habang mabagal na pinagpatuloy ang paglalakad. Sa klase ng pagkakatayo ng kapatid, may pakiramdam siyang hindi maganda ang pag-uusap ng dalawa. Lalo't nakita niya ang biglang pagkuyom ng mga kamay nito.
"SIOBE!" sigaw niya upang saglit na putulin ang tensyon.
Mabilis ang naging paglingon ni Louie at mababakas ang relief sa mukha nito nang makita siya. Kasabay ng paglapag nito ng hawak na bola ay mabilis na tinalunton ni Hiro ang distansya nilang dalawa. Pabagsak niyang binitawan ang hawak na paper bag bago ito tuluyang niyapos ng mahigpit.
Kamusta na siya? Kailan pa ito dumating? Paano ito nakapag-enrol sa UP? Ano'ng kinuha nitong kurso? Bakit nito naisipang bumalik sa Pilipinas? Tatagal na ba ito dito? Alam ba ng ama nila na nandito siya?
Mga tanong na nagsulputan sa utak ni Hiro ngunit hindi niya alam kung ano'ng uunahing isatinig.
"I missed you. Bakit hindi mo sinabing nasa Pilipinas ka na?" ang siyang namutawi sa mga labi niya nang kumalas sila sa pagkakayakap.
"I'm sorry. I was busy adjusting myself here and something happened—"
"Dito ka nag-aaral? Alam ba ni Dad?" gulat na tanong niya dito.
"Let's talk about this later, okay? For now, samahan mo muna akong maglaro."
BINABASA MO ANG
NYORK
Novela Juvenil"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive myself to death. Because I am nothing compared to her, his precious memory of his love... His only daughter... Who doesn't even care about h...