Chapter 13: Buffet Incident

12.4K 192 35
                                    

___________________________________________________

“Aaaahhhh! Yeah! Way to go! I love you buddy! Woooo! Hahahahahahaha!”

Kasalukuyang naglalaro ng Xbox si Hiro sa living room. Isang linggo na din siyang nakatira sa pamilyang Pelaez. He was too happy to be part of the family. Salat man sa maraming materyal na bagay ang mag-anak pero napakasaya naman ng samahan ng mga ito.

Sa halos isang linggong pamamalagi ay madami ng natutunang gawaing bahay ang binata. Pero ang pinakanakatoka sa kanya ay ang paghuhugas ng pinagkainan nila sa umaga at pagpupunas ng lamesa. Bahagyang sinasanay niya ang sariling pakibagayan ang pamilyang Pelaez, although minsan, kinatamaran niya rin ang paghuhugas lalo kung masyado siyang engrossed sa paglalaro.

Katulad ngayon na naiwan lang sila ni Charlie sa bahay dahil may mga lakad ang mga kapatid ng dalaga at wala rin ang mga magulang nito.

“HIROOOOOOOOOOOO!”

Napangisi na lamang si Hiro kay Charlie na halos alam na niya kung bakit nakasigaw na naman.

“HUGASAN MO NGA YUNG MGA PLATO! Namalengke lang sina Mama, hindi mo na ginagawa ang parte mo. Mahiya ka naman! Nakikitira ka na nga lang!”

“Di hugasan mo,” paismid na sagot ng binata dito.

“Nakakainis ka na ah!” Nilapitan nito si Hiro at pilit na hinila papunta sa kusina.

“Ano ba?! Hugasan mo na. Kitang naglalaro eh. Bilhan kita ng ice cream mamaya. Sige na. Tinatamad ako eh,” nakakindat pang sagot dito ni Hiro.

Nagdududang tinitigan ni Charlie ang binata. “Hmp. Totoo ba yan? Yung cookies and cream ha? Isang gallon?”

“Tss. Hugasan mo na nga bago pa magbago isip ko.”

Nagkukumahog namang hinarap nito ang mga hugasin. “Eto na nga Sir oh!”

Yan lang naman palagi ang eksena sa umaga kapag naiiwan ang dalawa. Madalas sa hindi ay inuuto ni Hiro si Charlie na gawin ang mga nakatoka sa kanya kapag tinatamad siya. Alam naman kasi niyang mabilis niyang mauto ang isa.

“Maglalaro ka lang naman eh. Ang tamad tamad talaga,” bulong ni Charlie habang naghuhugas ng pinagkainan.

“Narinig ko yun bubuwit. At para malaman mo, tatawag ako sa bahay para may sasakyan tayo bukas papunta sa school ni Kuya Marcus. Pag ako nainis, sa gulong ka uupo,” ngising aso na banta dito ni Hiro na nagpatahimik sa dalaga.

Kinabukasan ay naghanda na ang mga Pelaez para sa graduation ceremony ni Marcus. Napagkasunduan  ng pamilya na sa Dad’s Saisaki sa Megamall na lamang kumain ng tanghalian upang hindi na masyadong gumastos at mahirapan ang mag-asawang Matilda at Charles sa paghahanda ng lulutuing pagkain.

Nauna na sina Chino, Chad, Mark, Mason, Hiro at Charlie sa Megamall habang naiwan naman ang mag-asawa kasama si Marcus para tapusin ang buong programa at picture taking. Gamit ang sasakyan ni Hiro na Toyota Fortuner ay dumiretso na sila sa mall para sa reservation ng pamilya.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon