Chapter 48: The 999 paper cranes

7.4K 224 115
                                    

~48~
"Paabot nga nung sprite pre," utos ni Hiro sa kaibigan.

"Tumayo ka kaya? Makapaabot ka parang nandito lang sa gilid ko ang hinihingi mo ah."

"Mas malapit ka, dali na."

"Wow, magkatabi lang kaya tayo at malayo ang ref mo sa living room?"

"Pero mas malapit pa din posisyon mo sa ref."

"Hayup talaga sa katamaran," bulalas ni Taki bago nakaingos na tumayo pagkatapos kunin ang cellphone sa side table.

It was Saturday morning and they've been slacking since yesterday. Kahapon pa nandoon ang kaibigan dahil pagkatapos ng klase nito ay sa condo na niya dumiretso. Long weekend naman kasi at kasalukuyang nasa ibang bansa ang mga magulang ni Taki kaya doon na ito nagstay pansamantala. Buong magdamag lang silang naglalaro ng Mass Effect sasala.

Ngunit kung tutuusin, Hiro deserved to loosen up a bit because he'd been working hard on other days. At tila nga ba nagmature ang binata sa mga pinagdaanan sa nakalipas na mga buwan. Hindi na ito gaanong madaldal katulad ng dati. Hindi gastador at mabilis maaya ng mga barkada. Mas kontrolado na din niya ang emosyon.

Iyon nga lang, bugnutin pa rin paminsan-minsan.

"Ano'ng nginingiti mo?" nagtatakang tanong ni Hiro sa kaibigan habang naglalakad ito pabalik sa kanya.

"In-accept ni Louie ang request ko. Nakita ko sa feeds na friends na kayo eh kaya in-add ko. Ang cute, ngayon lang siya nag FB," sabi nitong nakatutok pa din sa cellphone ang mga mata habang inaabot sa kanya ang canned Sprite.

Hiro smirked at his friend's remark.

"Akala ko ba solid Kaki ka?" sabi niya dito pagkatapos buksan ang sprite at lumagok.

"Oo naman. Crush kolangnaman ang ate mo ah."

"Tss."

Pansamantalang itinigil ni Hiro ang paglalaro. Pumasok ito sa silid at kinuha ang iPad. He then opened his own FB account. Tyempo namang nakita niya ang kaka-post lamang na status ng kapatid.

Louie: So this is facebook, huh.

Dalawang magkasunod na comment ang agad niyang nabasa ilang minuto pagkatapos i-post iyon ng kapatid. Napangisi siya sa panunukso ni K kay Mason na naunang nagcomment ng smiley emoji.

"Kay Kaki ka na lang. Hindi ka naman papasa kay Siobe," saad ni Hiro kay Taki habang pigil-tawa sa nabasang comment ni Charlotte na siyang pangatlo sa comment section ng post ng kapatid. Ginawa kasi nitong auto-liker si Louie. Inutusan nito ang kaibigan nai-like ang lahat ng status at pictures naipopost nito.

Nasumpungan na lamang ng binata ang sariling nagtatype ng comment patungkol sa sinabi ni Charlie.

Ilang segundo pagkatapos niyang magpost ng comment ay bahagyang nagulat siya hindi dahil sa comment ni Taki sa status ng kapatid kundi sa comment si Charlotte pagkatapos ng comment ng kanyang kaibigan.

Charlie: ^ Taki! Accept mona FR ko! T^T angdayaaaa!!!

"Ano ang FR? Magkakilalaba kayo ni Charlotte?" baling niyakay Taki.

Hindi mabatid ni Hiro kung bakit biglang hindi niya nagustuhan ang klase ng pagkakangiti ng kaibigan.

Masyadong tuwang-tuwa ba talaga ito na in-accept ni Louie ang friend request nito?

Bakit hindi niya alam na magkakilala na sila ni Charlotte?

"Friend request. Magkasabay kasi kaming dumating nung birthday mo. Tinulungan kong pulutin ang mga paper cranes. Nalaglag kasi ang box na hawak niya."

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon