_________________________________________________
Nang dumating ang bakasyon, sa pinsan ng Mommy ni Hiro pansamantalang nanuluyan ang binata.
Kinailangan kasing mangibang-bansa ng mga magulang niya para sa isang business trip. Naudlot na naman ang sana'y pinangakong bakasyon ng Daddy niya sa kanya papuntang Hong Kong.
Ang pinsan ng Mommy niya na si Marinelle ay isang single mom at may unica hija na nagngangalang Krystal. Halos kaedad niya ang babae. Pero dahil man-hater ang Mommy nito ay kinalakihan na din ni Krystal ang ideyang huwag masyadong magtiwala sa mga lalaki. Kaya naman mas kinahiligan nito ang magtiwala, makipagkaibigan at humanga sa kapwa babae para protektahan ang sarili.
"Hiro, gawan mo naman ako ng origami. Yung madami ha?" Paglalambing ni Krystal sa pinsan.
"Inaano mo ba yang origami at araw-araw kang nagpapagawa? Ganyan ka din ng elementary ah. Bumibisita ka pa sa bahay para lang diyan," Nagtatakang tanong ni Hiro dito.
Lumabi si Krystal. "Basta may pagbibigyan ako."
"Wuyyy sino yan ha? I'm sure babae yan. T-Bird ka na yata eh," pang-aasar nito sa pinsan.
"Tange. Yung pinagbibigyan ko dati? Siya pa rin yun."
Noong elementary pa lang ang dalawa, laging bumibisita sa bahay nila si Krystal tuwing weekends para lamang magpagawa ng sangkatutak na origami.
Kapalit noon ang paggawa nito ng homeworks niya. Matanda lang si Krystal sa kanya ng ilang buwan kung kaya hindi niya na din ito tinatawag na ate. Ito din ang isa sa pinaka-close niyang pinsan. Nag-iisang anak lang din kasi ang Mommy niya.
"Wow. Hindi ka pa rin sinasagot non hanggang ngayon? Mabuti hindi natakot sayo," sabi ni Hiro bago tumawa ng nakakaloko.
Sumimangot naman si Krystal. "Wag mo akong asarin, sasabihan ko si Mommy na wag ka ipaghain ng paborito mo, sige ka. Oy ano gawan mo na ko ha?"
"Bigyan mo muna ako ng textmate. Yung maganda ha?"
"Kailan ka pa nakiuso sa mga ganyan?! Ang dami-dami mong admirers sa akin ka pa nagpapahanap?"
"Sus. Sige na. Alam ko namang madami kang kaibigang babae."
"Ayoko nga! Baka agawin mo pa sakin eh!"
Natawa na si Hiro sa reaksyon ng pinsan. Hindi lingid dito ang mga kababaihang mabilis mahumaling sa kanya. Hindi niya lamang sineseryoso ang mga yon kahit pa parang totohanan na ang mga pabirong pasaring ng mga ito sa kanya.
"Maka-ayoko? Hindi ko naman sinabing ang crush mo ang ibibigay mong number. Sige ka, walang origami," pagbabanta din ni Hiro sa pinsan.
Nag-isip ito saglit. "Basta be nice to her ha? May kambal yan na lalaki kaya huwag mong aasarin," bilin pa ni Krystal kay Hiro. Alam kasi ng pinsan niya na mahilig itong mangpikon ng babae.
"Oo na. Akina ang number. Maganda?"
Ngumiti naman ng matamis si Krystal. "Oo, maganda. Magandang-maganda."
"Basta MAGANDA talaga 'to ha? Ano ba pangalan nito?"
"Ah, ano... Shan-Shan."
BINABASA MO ANG
NYORK
Teen Fiction"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive myself to death. Because I am nothing compared to her, his precious memory of his love... His only daughter... Who doesn't even care about h...