_____________________________________________________
"Kamusta ang college freshman namin?" Masiglang tanong ni Adeline sa anak na si Hiro. Halata ang pagkasabik sa tinig nito habang pinagmamasdan ang anak na maganang kumakain.
"Just fine 'My," tipid na sagot ng binata na saglit na sinulyapan ang ina.
Nasa Max's Restaurant silang mag-anak at kasalukuyang nanananghalian. Naisipang tawagan ni Lorenzo ang anak na si Hiro upang makasalo ito sa lunch ng mag-asawa. Halos dalawang linggo na din kasing hindi nagkikita ng personal ang mag-ama dahil abala ito sa pag-aasikaso ng kabi-kabilang negosyo. Ayon dito, may business meeting ito kanina bandang alas nueve ng umaga around Manila. Maaga lamang iyon natapos kaya naisipan nang isamang mananghalian ang binata.
Mababakas sa mga mata ni Adeline ang pangungulila sa nag-iisang anak kaya halos hindi din nito nagalaw ang sariling pagkain. Maya't maya lang nitong sinusulyapan si Hiro na hindi naikubli sa kanya ang may katamlayang anyo nito kahit pa nagpipilit magmukhang masigla sa harap nila. Alam niyang hanggang ngayon ay malamig pa rin ang pakikitungo ng mag-ama sa isa't isa.
Sa parte ng binata, hindi niya maiwasan ang hindi magtaka sa inaakto ng ama. Bagaman dati pang kalmado ang anyo nito ay ramdam niyang lihim na pinag-aaralan ni Lorenzo ang mga kilos niya. Ipinagtataka din niya ang kaalamang tinawagan siya nito upang sumabay mananghalian na kung tutuusin ay dapat naisip ng ama na malayo ang Ateneo kung saan siya 'nag-aaral' at sa Manila kung saan naman ito may appointment.
Alam na niya kaya... isip-isip ng binata.
"You don't have class in the afternoon son?" tanong ni Lorenzo maya-maya. Halos tapos na din silang kumain noon at kaharap niya ito sa pang-apatang mesang kinauupuan nila.
Iling lamang ang naging sagot ni Hiro dito habang inaalala ang schedule sa hapong iyon. Ang alam niya ay wala naman silang gaanong gagawin ngayong araw kaya kahit hindi na muna siya pumasok sa hapon.
"Kailan naman daw irerelease ang prelim grade niyo?" patuloy ng kanyang ama.
Agad na kumunot ang noo ng binata sa narinig. "Geez, Dad. Kakasimula pa lang halos ng klase. I don't want to talk about school stuff."
Sinaway naman siya agad ng ina. "Hijo, we just want to be updated about your school activities. Syempre gusto din ng Daddy mo malaman ang grades mo if you're doing well."
Natawa ng pagak ang binata nang balingan si Adeline. "And since when was he... Nevermind."
He had a hunched as to why but he wanted to be sure.
Naramdaman niya na lamang ang pagvibrate ng cellphone sa suot na pantalon kaya mabilis na kinuha niya iyon at binasa ang mensahe. Hindi alintana ang mapanuring tingin ng ama sa inakto niya.
Mahigpit na ipinagbabawal nito ang paggamit ng anumang electronic gadget kapag nasa harap ng pagkain.
From Bubuwit:
Hoy Hiro,my long quiz dw tyo ngaun na!Ano?Ppsok kb?Ngttanong na mga clasm8s ntin.Lalo na un mga babae,knukulit nla ako!Nsan kdaw?Waaa,d ako nkaaral! TT_TT
BINABASA MO ANG
NYORK
Teen Fiction"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive myself to death. Because I am nothing compared to her, his precious memory of his love... His only daughter... Who doesn't even care about h...