Chapter 15: Sapiosexual

12.2K 171 26
                                    

___________________________________________________

"I'm sapiosexual."

Napatanga lang si Hiro sa sinabing iyon ni Louie.

"Oh wait. Hindi mo alam yun?"

Umiling-iling siya sa dalaga na biglang natawa sa reaksyon niya. "Hahaha. I like smart people."

Whoah! Walking dictionary ba ‘to?

 

Tuluyan ng napangiti si Hiro.

Habang tinititigan niya si Louie ay parang lalo lamang siyang nahuhulog dito.

Again, that’s new. And strange.

Ang bilis namang magbago agad ng nararamdaman niya para sa dalaga?

Parang kanina lang, like niya pa lang tapos ngayon nahuhulog na?

"So sapiosexual means a person who likes intelligent, smart and clever or anything synonymous of that?”

Tumango naman ito.

“Eh si Charlie lang naman ang bobo."

Halos pigilan niya ang sariling pisilin ang pisngi ni Louie ng humagikhik ito sa sinabi niya.

"Sumusobra ka na ah!" Sigaw naman ni Charlie na hindi pinansin ni Hiro.

"Louie—"

"Kilala mo naman pala ako eh. Ba't ka pa nagtanong kanina?"

Napakamot si Hiro sa sinabi ni Louie. “Trip lang. Hehe.“

Bumuwelo muna siya ng ilang sandali bago pinagpatuloy ang kanina pang balak sabihin. "As I was saying, pwedeng... humingi ng number mo?"

Halos pumalahaw si Charlie sa sinabi niya. Nainis tuloy siya lalo dito dahil nasisira ang diskarte niya kay Louie. Denipensahan pa niya ang sarili pero mas kinampihan pa ni Louie si Charlie.

Just like he thought.

Naisip niya tuloy na masyadong losing battle pag binangga niya si Charlie para lang mapansin ni Louie kaya pinilit niya na lang na hingin ang numero nito kahit alam niyang masyado ng makulit ang dating niya sa dalaga.

“So uhm, ano. Pwede ko bang hingin ang number mo?"

Napalatak na lamang ang dalaga sa kanya. "Makulit ka din eh. Ma—"

"Oo! Oo! Madami akong 'MA'. MA-talino, MA-gandang lalaki, MA-karisma, MA-pagmahal, MA-bait, MA-sipag, MA-galing maggitara, MA-galing magsurfing—"

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon