~45~
September
Second Saturday of the month
It was one in the afternoon nang magising si Hiro dala ng matinding puyat simula pa nitong nakaraang araw. He was prepping for tonight's business launch na gaganapin sa Resorts World dahil doon din unang ilalabas ang free-tasting ng negosyo niya. Ikinagulat man niyang malaman noong nakaraang gabi na ang Mama ni Louie ang siyang pangunahing host ng naturang glamorosong pagtitipon, mas ikinatuwa naman ni Hiro nang mabilis na aprubahan nito ang hiling niyang magkaroon ng free-taste booths sa loob ng venue. Louise was very supportive in encouraging him on his business. Hiniling niya din sa ginang na huwag munang ipaalam iyon kay Louie at hindi naman siya nabigo.
Napakabait talaga ng pamilya ng kanyang kapatid. Kung hindi nga lamang nakatango siya kay Caela para sa pagtitipong iyon ay nungkang sumama ang binata dito para maging date ng babae. Louise also asked him last Thursday night who was his date because she thought Louie contacted him to be her plus one.
Dahil doon, bahagya niyang ipinagtaka ang pag-aya sa kanya ni Caela. Sinabi kasi ni Louise na kaya nito ginawan ng paraan na dapat magkaroon ng date si Louie sa pagtitipong iyon ay dahil baka bagutin ito sa buong durasyon ng event. It was preferably for business persons, those high profile businessmen. Kaya kahit sabihin pang negosyante ang mga magulang ni Caela, hindi ang teenager na katulad nito ang magkakainteres sa ganoong pagtitipon bukod sa kaalamang mga negosyante lamang ang imbitado.
Which left him to the realization: Paano ito nagkaroon ng imbitasyon kung tanging ang mga magulang nito ang imbitado?
At sino ang magiging date ng kapatid kung hindi naman siya inaya nito?
Napakibit siya ng balikat bago nagpasya na lamang na maghilamos at bumaba upang kumain ng tanghalian.
He was starving like hell.
***
"Mom, invited ba kayo ni Dad sa business launch tonight sa Resorts?" tanong ni Hiro kay Adeline nang mapasukan niya ito sa master's bedroom pagkatapos kumain.
Nauna na ding kumain ang kanyang ina dahil late na siyang nagising. Nakasuot ng pambahay na blusa, Adeline was sitting comfortably on a sofa while reading a book.
"But of course, hijo. All blue chip companies are invited. Afterall, it's one of the most anticipated event of the year in the business world. I don't wan't to miss that. Hindi ba't naroon ka rin mamaya? Nabanggit sa akin ng Dad mo."
Tumango si Hiro dito.
"Ang bait ng Mama ni Louie. She allowed me to put booths inside the venue so I could at least experiment kung papatok ba ang milktea flavors. Alam mo bang family nila ang magho-host ng event?"
Ngumiti lamang ng tipid ang kanyang ina bago tuluyang binaba ang hawak na libro. "Nabanggit ni Dad. Hindi naman nakapagtataka iyon. Magaling sa negosyo ang pamilya nila. But I'm proud of you, hijo. At such age, nakikisabay ka na sa mga malalaking tao sa lipunan."
BINABASA MO ANG
NYORK
Teen Fiction"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive myself to death. Because I am nothing compared to her, his precious memory of his love... His only daughter... Who doesn't even care about h...