Chapter 18: Frustrated

11.7K 172 33
                                    

___________________________________________________

Nagpaalam si Louie kina Charlie at Hiro na mauuna na daw itong umuwi.

Balak pa sana ni Hiro na ihatid ang dalaga kaso naalala niyang may sundo ito. Sabagay, mayaman nga pala si Louie kaya hindi imposibleng hatid-sundo ito sa eskwela.

Di bale, my number na niya naman ako kaya ayos lang. Tetext ko na lang siya mamaya. Malapad ang ngiting isip-isip ni Hiro.

Wala yatang makakasira ng mood niya sa araw na iyon.

Dahil sila na lamang ni Charlie ang naiwan ay inaya niya ang dalaga kung sasabay ito sa kanya umuwi. Balak niya kasing bisitahin muna ang mga magulang nito at mga kapatid bago umuwi ng mansyon nila. Madalas niya ding katext sina Marcus, Chino, Chad at Mark.

"Bubuwit, ano. Sasabay ka ba?"

Nag-ala martial arts stance ito na kinunutan lang ng noo ng binata.

May sanib na naman. Tss. "Hatid na lang kita sa inyo. Bibisitahin ko sina Mommy at Daddy. Pati na din sina Kuya."

"Ahh.. di ka pa babalik sa La Union?"

"Hindi. Baka... mag-exam ako sa Sunday eh. Pero di pa sure. Tsaka.. Basta... Ba’t  ba ako nagpapaliwanag sayo. Ano? Sasama ka ba?" Tanong ni Hiro sa naiinip na tono.

"Sa Sunday? Hmm.. sige. Libre pamasahe din, hehe." Sagot naman ni Charlie sa wakas.

"Bilis na. Sakay na dun." Sabay turo sa nakaparadang Sportivo na mabilis namang pinagbuksan ng pintuan ng driver.

 

Dami pang arte, sasama din naman.

Maya-maya ay nakatanggap siya ng text sa pinsang si Krystal.

From Krystal: 

San ka na?

Hindi na siya nakareply ng marinig ang malakas na boses ni Charlie.

"SAN MO KO DADALHIN?! KIDNAPPING! KIDNAPPING! NUUUUUUUUUUU!"

Napahagalpak talaga siya sa sinabing iyon ng dalaga. "Ano naman makukuha sayo ng kidnapper? Tss. Daan muna tayo sa pinsan ko."

Inirapan lang siya nito bilang sagot at hinarap ang cellphone nito.

"Manong, sa Holy Spirit ha? Dadaanan ko lang si Krystal." Tinext na ni Hiro ang pinsan na mag-abang na sa gate dahil malapit na sila.

Dinig ni Hiro ang pabulong-bulong ni Charlie kaya naiiritang nilingon niya ito mula sa pagkakaupo sa passenger's seat. "Ano'ng sinasabi mo diyan?"

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon