Chapter 17: Finally, yes!

11.7K 170 43
                                    

___________________________________________________

Malapad ang ngiting namutawi sa mga labi ni Hiro habang pinapasadahan ng tingin ang report card na hawak.

  

Panay line of 9 ang grades niya.

Mabilis niyang tinignan ang kabuuang average.

Damn. 92%. My sacrifices have paid off!

"You look very pleased with your grades Hiro. Nakakatuwang makita ang ekpresyon sa mukha mo," natatawang pakli ng adviser ni Hiro.

"I'm really happy Sir. Nakapasok kaya ako sa honor list?" Pasimpleng tanong ng binata sa butihing guro.

Malapad naman itong ngumiti sa tanong na iyon ng binata.

"Marami ang nagulat sa biglang pagseryoso mo sa pag-aaral. Napagdebatehan pa naming mga guro ang grades mong iyan pero wala naman tayong magagawa. Nakikita naman naming pursigido ka.” Maya-maya ay napatingin ito ng tuwid sa binata. “Sigurado kang ayaw mo ng surprise sa recognition day ng first grading?"

Bahagyang kinabahan ang binata sa antisipasyon bago marahang umiling.

"Bueno. Tama ang gut feeling mo. Nakapasok ka nga sa honor list. You're rank number 8th..."

"Yes!" Pasigaw na sabi ni Hiro na napasuntok pa sa hangin sa narinig.

"Kaya mas mainam na pagbutihin mo pa ang pag-aaral para mamaintain mo ang grades mo hijo," natatawang paalala dito ng guro.

"Yes Sir. Thank you so much!" Nagulat na lang ang guro ng bigla itong yakapin ni Hiro ng mahigpit. "This is really good news Sir. You don't know how happy I am."

Magalang na nagpaalam si Hiro at umuwi ng resort.

"Nanay Martha! Tatay Tonyo!"

Mabilis na lumabas ang mag-asawa sa humahangos na si Hiro.

"Anak, bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Aling Martha.

"Wala po. Hehe. Nakapasok ako sa honor list Nay. Number 8." Inabot ni Hiro dito ang card na pinag-agawan pa ng dalawang matanda at naluluhang niyakap siya ng mga 'to.

"Ang galing galing mo naman anak!" Nakayakap pa ring pakli ni Aling Martha.

"Makukuha ko na ang number ni Louie Nay..." tila nananaginip na sabi ni Hiro sa natigilang mag-asawa.

"S-Siya ba ang dahilan bakit ka nagpursige anak?" Tanong ni Mang Nilo dito.

"Opo Tay."

Marahan namang binunggo ni Aling Martha si Mang Nilo sa narinig.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon