____________________________________________________
Maagang umalis si Hiro sa bahay nila kinabukasan.
Ang paalam niya sa mga magulang ay alas nueve pa ang orientation magsisimula pero dadaanan muna siya ng condo sa Katipunan kaya kailangan niyang umalis nang alas siyete ng umaga.
Pagkatapos niyang magpahatid sa driver sa condo ay iniwan din nito ang sasakyan niya at binigay sa kanya ang susi niyon. Alam niyang kampante na ang kanyang ama sapagkat katapat lamang ng Ateneo ang condo unit niya.
Natawa siya ng mapakla sa kaalamang sa puntong iyon ay naisahan niya kahit papaano si Lorenzo. Inakala nitong sa Ateneo siya nag-aaral. Inilibot niya ang paningin sa palibot ng condo at nagsimulang bistahan ang bawat sulok niyon.
Dalawa ang silid na may sariling palikuran ang bawat isa. Isang maluwag na living room at dining area.
Nice. It's cozy.
Halatang ina nga niya ang nagpadisenyo ng buong lugar. Mababakas ang aura ng sopistikasyon doon. Marahan niyang kinuha ang schedule ng klase sa bag at tinignan iyon.
Katamad. Orientation lang naman buong araw, tss.
Nagpalipas muna siya ng ilang oras sa paglalaro sa personal computer bago nagpasyang magpadeliver ng pagkain. Nang magsawa kakalaro ay pinatay na niya ang monitor at saglit na napatitig sa Mac Book na nakapatong sa study table na. Hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti.
"Ingatan mo yan," saad ni Louie sa kay Hiro habang hawak-hawak niya ang Mac Book na pinanalunan nila. Despidida party noon at nagkaroon ng pakulo ang pamilya nito para sa dalaga.
Napangiti siya dito. "Galit ka ba Ate?"
"Hindi. Naiinis lang. Muntik na kasi tayong matalo," saad nito. Naiintindihan ng binata kung bakit bugnutin ang kapatid kanina pa lamang nang makita niyang natagusan ang suot nitong bestida.
Napabuntong-hininga siya. "Sorry wala akong naitulong."
Narinig niyang napabuntong-hininga din si Louie. "Wag mo nang isipin yun. You're just being cautious. Huwag mong pansinin ang tantrums ko. Must be hormonal imbalance. Besides, kahit kaya mo, hinding-hindi pa din ako kakain ng hilaw na itlog haha," natatawang saad nito at nilingon siya. "Kaya, well done."
He frowned. “Don’t rub it in. Muntik ko na ding isuka kanina. Ang lansa!”
Sabay na silang humalakhak ng kapatid.
"You really want to have things the hard way noh?" puna niya dito. He offered na siya na ang bibili ng Mac Book sakaling matalo sila but she’s too determined to win.
Tinignan lang siya nito sa mga mata. "Hard earned things are treasured the most. Aalagaan mo ng mabuti ang isang bagay kasi alam mong pinaghirapan mo yun. Ergo, it's easily to replace things na hindi mo pinaghirapan. Same goes to people. They come, they go. But only those who made their stay worthwhile are the ones worth dying for."
BINABASA MO ANG
NYORK
Dla nastolatków"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive myself to death. Because I am nothing compared to her, his precious memory of his love... His only daughter... Who doesn't even care about h...