____________________________________________________
Pagkatapos ng mabilisang pagbihis ng pajama set ay dumapa si Hiro sa kama habang nakatitig sa kisame.
I will not give up. Baka nga nagtatanong lang siya.
To Louie:
Ayaw mo ba? :)
Napangiti siya ng magreply si Louie.
Matagal nga lang yata magreply 'to. Pasensya pala ang kailangan syet. Hahaha.
From Louie:
What's the occasion?
To Louie:
Birthday ko.
Napangiwi siya sa reply ng dalaga.
From Louie:
Celebrate it with your parents.
Pinag-isipan niyang mabuti ang sumunod niyang reply dito.
To Louie:
They don't have time. As always.
Napangiti siya ng mapakla. Kaya nga siguro advance ang pgbibigay ng gift ng Daddy niya dahil baka hindi na sila makakain sa labas sa birthday niya. May scheduled appointment daw ito sa isang importanteng kliyente.
Napailing na lamang si Hiro.
Kliyente na mas importante pa sa anak niya.
From Louie:
Why me? I mean, ako lang ba inaya mo niyan?
Bakit nga ba Hiro?
Hindi niya din alam kung bakit. Basta ang alam niya, gusto niyang mapalapit sa dalaga. Gusto niya itong makasama.
To Louie:
Yes. And I don't know either actually.
Matagal bago nakareply si Louie. Bahagya siyang nanlumo dahil baka tinulugan na siya nito.
From Louie:
When?
Mabilis na napaupo sa Hiro sa nabasang text. Bumilis din bigla ang tibok ng puso niya sa tuwa. Dali-dali siyang nagpadala ng mensahe bilang sagot sa tanong nito.
To Louie:
This Saturday?
BINABASA MO ANG
NYORK
Teen Fiction"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive myself to death. Because I am nothing compared to her, his precious memory of his love... His only daughter... Who doesn't even care about h...