____________________________________________________
Sa unti-unting paglalapit nina Hiro at Louie ay mas lalong nahuhulog ang loob ng binata sa dalaga.
Napapadalas na din ang pagpapalitan nila ng text messages pagkatapos ng pagkikitang iyon. Hindi man laging nagrereply si Louie ay lubos na ang tuwa ni Hiro sa simpleng pagreply ng dalaga sa paminsan-minsang pangangamusta niya.
Alam na niyang hindi talaga ugali ni Louie ang magtext.
Tunay mang pagtinging kaibigan lamang ang kayang ibigay ni Louie ayon sa sinabi nito ay umaasa pa rin si Hiro na balang araw, magugustuhan din siya ng dalaga.
He was born a fighter and he totally believes that good things come to those who patiently wait.
Nang sumunod na linggo ay naisipan ni Hiro na bumisita sa mga Pelaez para sa kanyang late birthday treat. Dahil maayos din siyang nakapagpaalam sa mga magulang at pinayagan naman siya ng mga ito ay doon din niya balak mag-overnight.
Bago iyon ay dumaan muna ang binata sa UST upang bisitahin si Louie. Biyernes iyon ng hapon. Nagkataong half day lamang ang klase nila ng araw na iyon kaya mabilis siyang nakarating ng Manila.
Balak niyang ibigay sa dalaga ang pinagpuyatang origami. Alam niyang sa personalidad nito ay hindi gugustuhin ni Louie ang tumanggap ng mga mamahaling bagay. Base na din sa huling ginawa niyang pagpapa-cater noong umuwi ito galing sa pagbabakasyon sa Japan. At wala na siyang balak na maulit pa iyon.
"Wow! Ang galing mo ngang mag-origami! Ang ganda!" Manghang saad ni Louie habang hawak ang origami.
Lumapad naman ang ngiti ni Hiro sa narinig. "Thanks. Si Charlotte nga pala?"
Nakita ng binata kung paano napangisi ang kausap sa sinabi niya.
Kunot-noong nagtanong siya sa dalaga. "Why?"
"Does absence really makes a heart grow fonder?" Tanong ng nangingiting si Louie kay Hiro.
"Huh?" Naguguluhan namang saad niya.
"Matalino ka ba talaga? Hahaha. Ba't mo hinahanap si Charlie? Akala ko ba ako ang crush mo? Yung totoo? Facade mo lang ang pang-aasar sa kanya noh? Ayieeee. Hahahaha."
Lakas din pala mang-asar ng babaeng 'to ah. Hahaha.
"Hinanap ko lang kasi nga mahilig sa origami yun, baka kunin na naman niya ang binigay ko sayo," paliwanag naman ni Hiro.
"Weh? Yun lang ba talaga?"
Napangiti na lamang si Hiro sa sinabing iyon ni Louie. "Kulit. Oo nga. Nag-iisa ka lang dito o," sabay turo sa dibdib nito at umakmang naduduwal ang dalaga sa kanya.
Hahaha. She’s really cute. Kainis naman. Ang hirap paniwalain.
BINABASA MO ANG
NYORK
Teen Fiction"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive myself to death. Because I am nothing compared to her, his precious memory of his love... His only daughter... Who doesn't even care about h...