__________________________________________________
"Sige pre, kayo na lang. Inaantok pa ko eh. Try ko mamaya pag sinipag. Bye."
Ipinatong niya sa side table ang cellphone. Napakamot na lang siya ng ulo ng makita ang oras na alas nueve at bumulong-bulong. "Ang aga-agang gumala ng mga loko, sila pa yata magbubukas ng mall. Tss."
Muli niyang pinikit ang mga mata at pinagpatuloy ang naudlot na tulog.
Tinamad ng gumala si Hiro ng araw na yon habang nagpasya naman ang mag-inang Marinelle at si Krystal na magshopping kaya naiwan siya sa bahay kasama ang mga kawaksi. Pagkatapos magpakasawang maglaro ng X-Box, nagpaluto siya ng meryienda at tumambay sa TV room para magmovie marathon.
Lumipas ang tatlong oras at nakaramdam siya ng pagkabagot.
"Hays. Katamad naman ng ganito. Amboring!!" Reklamo niya habang pabagsak na gumulong-gulong sa malambot na carpeted floor.
"Sana pala sumama na lang ako kina Jake sa timezone, kainis!" Naramdaman niya ang matigas na bagay sa kanyang pang-upo at nakapa ang cellphone. "Shit. Muntik ka na naman. Mabuti na lang hindi ka nabasag baby. Kundi patay na naman ako kay Daddy. Pangatlong cellphone ka na just this month hahaha," parang baliw na kausap niya sa sarili.
Kung hindi niya namimisplace ang cellphone ay nasisira naman sa pagiging careless niya. Iniiscroll niya ang mga contacts ng makita ang hindi pamilyar na pangalan doon kaya napakunot-noo siya.
Sino si Shan-Shan?
Matagal bago rumihestro sa utak niya ang pangalan bago naalalang humingi pala siya kahapon sa pinsan ng textmate. Ng maalalang maganda nga pala ito ayon sa kanyang pinsan ay nagpasya siyang tawagan ang naturang numero.
Pero bago pindutin ay naisipan niyang magpanggap muna sa dalagita. Sinumpong na naman siya ng kalokohan. Napangisi siya sa naisip bago tuluyan ng tinawagan ito.
Nakadalawang dial din muna siya bago sumagot sa kabilang linya ang may-ari ng numero. In-on na niya ang recording bago sinimulan ang pagpapanggap.
"Good afternoon. This is a call coming from the Principal's office of your school and I would like to clarify some information. Kindly state your fullname." Pinalaki niya ang boses at ginaya ang maawtoridad na tono ng ama. Alam niyang boses pa lamang ng ama ay natataranta na ang mga tauhan nito kung kaya't nasisiguro niyang ganun din ang epekto niyon sa kausap.
"S-Sebastian F-Flores po S-Sir. B-Bakit p-po?"
Muntik ng matawa si Hiro sa halatang kaba ng kausap ngunit hindi niya mapigilan ang mapakunot-noo.
Isn't this supposedly Shan-Shan? Ba't lalaki? Posible kayang kambal niya 'to? Balak sanang isatinig ni Hiro pero pinagpatuloy muna niya ang pagtatanong para makasiguro.
"How many siblings do you have?" Pangungumpirma ni Hiro sa kausap.
BINABASA MO ANG
NYORK
Fiksi Remaja"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive myself to death. Because I am nothing compared to her, his precious memory of his love... His only daughter... Who doesn't even care about h...