Chapter 26: Entrusting Siobe

11.5K 202 73
                                    

____________________________________________________

"Ate..."

Marahang minulat ni Hiro ang mga mata at nilibot ang paningin sa paligid. Pagod na pagod ang pakiramdam niya. Ramdam niya din ang panunuyo ng lalamunan. Yung tipong parang galing siya sa isang napakamahabang paglalakbay na walang hangganan.

Minsan, akala din niya, ngayon lang siya nagising sa napakahabang pagkakahimbing na iyon.

"Anak, umalis lang ang ate mo pero dito siya galing kanina. Kamusta ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Lorenzo. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng dyaryo ng marinig ang tinig nito.

Natutuwa siyang sa wakas ay nagkamalay na ang kanyang unico hijo. Noong isang araw pa ito huling inobserbahan at ayon sa mga doctor ay magiging mabilis na naman daw ang paggaling ni Hiro.

Si Louie lagi ang una nitong hinahanap. Sa katunayan ay si Louie naman talaga ang unang nakaalam na nagkamalay na si Hiro.

Hindi pa ito pwedeng kumain pero ayon sa doctor ay baka bukas o makalawa ay pahihintulutan na itong kumain pagkatapos kunin ang tubo sa ilong. Noong isang araw lang din kasi kinuha ang respirator sa bibig nito. Ang tama ng bala na nasa kanang bahagi ng katawan ang naapektuhan at napuruhan ang atay nito. At kinailangang kunin ang parteng iyon. Hindi naman daw malaking problema sapagkat bumabalik din naman sa dating anyo ang liver sa kalaunan kahit bente singko porsyento na lamang ang natitira. Pero malinaw naman ang pahayag ng duktor na sa unang ilang buwan ay kailangang mag-ingat ng pasyente sapagkat immuno-compromise pa ang katawan sanhi sa ginawang operasyon.

Napalingon si Hiro sa ama at marahang ngumiti. "D-Dad... salamat."

Nang subukan ni Hiro ang gumalaw ay doon lamang niya naramdaman ang kirot sa kanang bahagi ng tiyan. Inangat niya ang hospital gown at nakitang may malaking benda ang halos buong parte ng tiyan niya.

Baka dito ako nabaril.

Ngumiti din si Lorenzo sa anak. "I'm glad you're awake now. Magpagaling ka para makapag-usap pa kayo ni Siobe. I heard she's studying abroad."

Tumango naman si Hiro sa ama.

Tulad nga ng inaasahan ay mabilis na gumaling si Hiro. Unti-unti na din itong nakakatayo ng maayos at nakakalakad papunta sa banyo pagkatapos ng halos dalawang linggong rehab sa kanyang physical therapist. Siguro iyon ay dahil sa desidido din itong gumaling.

Binibisita din kasi siya ni Louie halos araw-araw at tumutulong din ito sa paglilinis ng kanyang sugat na kaya hindi din alintana ni Hiro ang paglagi ng matagal sa hospital.

"Ate, ano nga pala ang kukunin mong course?" Masiglang tanong ni Hiro kay Louie habang kumakain ng orange na pinagbalat ng kapatid.

Nakaupo siya sa hospital bed habang nagbabasa naman ng Reader's Digest si Louie at maya't mayang kumakain ng ubas. Kakatapos lamang nilang magtanghalian at silang dalawa lamang sa silid na iyon bukod sa mga nakabantay na bodyguards sa labas.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon