Chapter 1: A Dose of His Mischief

73K 364 54
                                    

_________________________________________

"O si Hiro ang amin! Si Hiro na diyan, bilis!"

"Hiro! Hiro! Hiro!"

Napailing na lang si Hiro sa sigawan ng mga kabarkada at pagtutulak sa kanya kay Jeril, ang junior student at kilalang basagulero sa kanilang campus.

He was thirteen, a sophomore sa exclusive school for boys na iyon. Pang ilang eskwelahan na ba niya 'to? Hindi na niya matandaan. Galing na din siya sa co-ed private schools at kung saan-saan pa bago dito pero halos wala namang pagkakaiba. Lagi pa rin siyang napapasok sa gulo at suki pa rin ng guidance office. Siguro sa co-ed nga lang, pinag-aawayan siya ng mga female population sa hindi din niya maipaliwanag na kadahilanan. Pero dito, lahat ng klase ng kagaguhan ay hindi lang masasaksihan mo. Malamang sa hindi ay matututunan mo pa.

Akala mo lang kung sinong anak mayaman ang mga estudyante pero wag ka, wala din namang tamang pag-aasal. Sigurado siyang ang ilan sa kanila ay katulad niya ding businessman ang ama. Na katulad niya ding walang panahon sa kanya kung kaya't kung anu-ano na lang din ang pinaggagagawa para mapansin nito.

Hindi niya naiwasan ang biglang pagsuntok ni Jeril at natamaan ang panga niya. Napasipol ang ilang estudyante sa kampo nito. Pinalilibutan na din sila.

"Oopss. Ilag ilag din kasi pare.. Masokista lang?" Ngising nakakaloko ni Jeril kay Hiro.

Biglang dumilim ang paningin ni Hiro sa nakitang pagngisi ng kalaban. Malaking lalaki ito kumpara sa kanya pero sanay na siya sa bugbugan kaya halos hindi niya ininda ang sakit kahit nalasahan na niya ang dugo sa labi.

Mapapagod ka din. Sabi niya sa isip.

Inilagan na ni Hiro ang mga sumunod na pag-atake nito. Ng naramdaman niya ang paghina ng mga galaw ng kalaban sanhi ng pagkapagod ay inubos niya ang lahat ng enerhiya sa isang malakas na suntok. Humandusay ito sa kanyang paanan.

"Oopss, sorry. Ilag ilag din kasi pare. Ikaw yata masokista eh," nakakalokong tukso niya dito saka inaya ang mga kabarkada na magcutting classes.

Tumambay sila sa resort na pagmamay-ari ng ama at nagkayayaang uminom. Ang ilan ay humihithit na ng marijuana. Hindi pa naman siya ganoon kasama para subukan yon. Okay na sa kanya ang minsang pag-inom inom. Kahit ang paninigarilyo ay hindi niya gustong subukan bukod sa asthmatic din siya. Ayaw niyang masyadong mag-alala ang ina.

Alas diyes na ng makarating siya ng bahay. Sinalubong siya ng ama na galit na galit.

"Where have you been young man?! I received a phone call from your principal saying that you did not attend your afternoon classes. You even punch a student in the face! And his family is asking for you to publicly apologize for what you did. What were you thinking Lloyd Hiro? Answer me!"

Hindi kumibo si Hiro. Tahimik lang siyang umupo sa sofa habang sinisimulang maglaro sa PSP. Naramdaman niya ang paghablot ng ama at ang malakas na pagbagsak ng PSP sa sahig na marmol ng itapon nito iyon.

"You never fail to disappoint me! Kinakausap ka ng matino may gana ka pang maglaro?! Wala ka talagang respeto. I gave you everything! You have everything! Lahat ng bata ay pinapangarap ang magkaroon ng kung ano ang meron ka Hiro, but you are not appreciating it! You left me with no choice. Sa public school ka na mag-aaral sa susunod na pasukan. Hindi na rin ako magugulat kung ang susunod na matatanggap kong balita sa principal niyo ay expelled ka na..." umiling iling ito.

Mapait na ngumiti si Hiro. Wala namang bago sa sinasabi ng ama. Lagi na lang nito pinamumukha sa kanya kung gaano siya kawalang kwentang anak. Napapagod na siyang magsalita, dahil in the end, ito din naman ang masusunod. Napatingin siya sa ina na nakamata lang sa mga nangyayari, bakas ang pagkaawa sa kanya.

Sometimes he wonders why his mother stand the kind of husband that she has. He was never sweet to her. Kahit man lang sana sa ina kung naging mabuting asawa ito, pero hindi eh. Sintigas ng bato ang puso nito at sinlamig ng yelo ang pagtrato sa kanilang mag-ina.

Tumayo na siya para umakyat sa silid. Sa kanyang pagtalikod ay dumagundong na naman ang boses ng ama.

"I am still talking to you!"

Hindi na siya nakatiis.

"I'm famished... and tired Dad... Ayoko makipagtalo sayo..." tinuloy na niya ang pag-akyat sa silid habang dinig pa rin niya ang paglilintaya ng ama sa kanyang ina sa papahinang boses. 

"Look at your son, Adeline! Walang modo! Paano mo ba pinalaki yan?! I will send him to the province..."

Sa ina na naman niya nabunton ang galit nito sa kanya. Again, wala na namang bago doon.

Why is he as ruthless and as insensitive like that?

What have they done wrong?

Nadaanan niya ang malaking portrait ng batang babae na marahil ay mga isa o dalawang taong gulang na nakakwadrado sa kalagitnaan ng grand staircase.

Hindi niya mawari kung bakit hindi ang family portrait nila ang nandoon.

Naalala niya noong limang taong gulang siya. Pinagalitan siya ng ama ng mabasag niya ang salamin niyon sa kadahilanang natamaan niya ng laruang baril. Nagkasigawan din ang kanyang mga magulang dahil pinagtanggol siya ng ina. Unang beses niyang narinig ang pagtaas ng boses ng Mommy niya.

Simula noon ay pinagbabawal na ng ama ang paglalaro niya sa loob ng bahay. Pinapalitan din ang glass frame ng mas makapal para mas maprotektahan ang portrait na iyon.

Hindi man niya kilala kung sino ang batang babae ay naiinggit na siya dito. Ayaw din magsalita ng ina niya tungkol doon. Sa tuwina'y iniiba nito ang paksa kapag nagtatanong siya.

Mabuti pa ang portrait, halos patayin ng ama niya ang sinumang makabasag. Pero siya, silang mag-ina, parang robot lang kung tratuhin nito.

Malungkot siyang umiling at pumasok na ng tuluyan sa sariling silid. Itutulog niya na lang ang gutom at sama ng loob sa ama.

Pero sa hinaharap...

Sisiguraduhin niyang makikilala niya din ang batang babae na nasa portrait...

At malalaman niya din kung ano'ng koneksiyon ang meron ito sa kanyang ama.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon