Chapter 24: The Confrontation

11.4K 186 78
                                    

____________________________________________________

Araw ng Huwebes ng maisipan ni Hiro na itext si Louie.

Balak niya itong kausapin. Gusto niyang sabihin ditong alam din niya ang buong katotohanan. Pagkatapos niyang pag-isipan ng ilang araw ang mga pangyayari simula ng magmukmok siya sa Antipolo ay nahimasmasan na siya.

Lahat ng galit na naipon niya noon kay Siobe ay nawala na parang bula. Hindi din niya alam kung bakit ganoon ang naramdaman niya all of a sudden. Habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga pag-uusap nila ni Louie sa Antipolo ay mas lalo lamang na naaawa si Hiro sa sitwasyon nila ng dalaga.

Kapatid ko pa rin siya.

Alam niya sa sariling pareho lang sila ni Louie na biktima ng pagkakamali ng kanilang ama.

Pero halatang mas malaki ang galit niya kay Daddy. Naramdaman ko iyon. Hays.

Kung may ikinakabahala man si Hiro sa pakikipag-usap kay Louie iyon ay ang pagharap ng galit nito. Hindi niya alam kung katulad niya ay kaya siya nitong patawarin pero susubukan niya. Susubukan niyang makipag-ayos sa kapatid.

Kapatid ko si Louie. Ate ko siya...

 

Mapait na napangiti si Hiro sa naisip. Mas masarap sana sa pandinig kung alam niyang matatanggap din siya nito.

Pero kung pagbabasehan niya ang huling binitawan nitong mga kataga sa Daddy niya ay alam niyang mahihirapan siyang kunin ang kapatawaran ni Louie. At posibleng damay nga siya sa galit ng dalaga.

Kinuha niya ang painting ni Louie sa study table at matamang tinitigan iyon na tila kinakausap ito. Pagkatapos niyang ibato iyon noong komprontahin niya ang kanyang ama ay pinahanap niya iyon sa mga kawaksi.

"Hi Lou— A-Ate.” Natigilan ang binata at nag-isip. “Dati rati ‘Louie’ lang ang tawag ko sa kanya. Ngayon, ‘Ate’ na. Nakakapanibago naman.” Saka nagpasyang ipagpatuloy ang pagkausap sa sarili. “Ehem... Kamusta ka na? Hindi na ako galit sayo. I'm sorry sa mga nasabi ko noon. Hindi ko talaga alam. Hindi ko alam na nahihirapan ka din pala... Hindi ko alam na nasasaktan ka din pala..." kusang pumatak ang mga butil ng luha sa mga mata niya habang patuloy na nakatitig sa painting ni Louie.

"I'm sorry na. S-Sana mapatawad mo na ako. S-Sana... matanggap mo ako bilang kapatid mo... Ate..."

Napangiti na lamang siya ng mapakla habang hilam ng luha ang mga mata.

Bakit kasi ang saklap ng kapalaran ko? Hays...

Kinahapunan ay sinubukan ni Hiro na kontakin si Louie. Alam niyang uwian na nila kaya sinubukan niya itong tawagan pero hindi siya sinasagot ng dalaga. Pati na din ang mga text messages niya.

Napagpasyahan niyang puntahan na lamang si Charlie sa bahay nila upang komprontahin ito. Nang makarating siya sa bahay ng mga Pelaez ay hustong kalalabas lamang ni Charlie ng bahay. Napansin niyang hindi pa ito nakapagpalit ng school uniform.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon