Chapter 47: Birthday Bash

5K 216 61
                                    

~47~
Kwok's Residence
New Manila

"That soon? Lorenzo naman, nangako ka sa anak mo, hindi ba?" mababakas ang pagkadismaya sa mukha ni Adeline nang marinig ang sinabi ng asawa, ngunit katulad ng dati, kalmado lamang ang kabiyak na hindi alintana ang naging reaksyon ng ginang.

"I know," saad nito habang naglalakad patungo sa mga kabinet sa loob ng study room upang hanapin ang ilang dokumento. "Pero hindi ko naman inaasahang mangyayari 'to. It's a big client and I don't want them to give any impression that the company is taking them for granted."

"Hindi ba pwedeng ipagpaliban ng ilang araw iyan? Patapusin mo muna ang kaarawan ng anak mo," pakiusap ng ginang dito.

"Dios mio, Adeline. Hindi lamang maliit na problema 'to," saglit lamang na tinapunan ng tingin ni Lorenzo ang kausap na hindi agad nakapagsalita kaya nagpatuloy pa ito. "May ilang kaarawan pang pwedeng i-celebrate ang anak mo while this client wants the business done pronto. You know how I value every client that the company has."

And you don't value your son? Muntik nang ibulalas ni Adeline sa asawa. "You will be there for three months Lorenzo pero isang araw lang ang hinihingi ng anak mo. Hindi mo pa maibigay. How many birthdays of Hiro did we miss? Have you thought about that?"

"Enough. Why are you being unreasonable Adeline? I will be visiting the other companies in London and US. Manggagaling pa ako ng Italy and god knows kung ilang linggo matatapos ang business deal," napabuntong-hininga si Lorenzo bago matamang tinitigan ang maybahay. "Hindi lamang maliit na kumpanya ang hinahawakan ko. Hindi lamang iisa. The moment that you decided to be my wife alam mong--"

"Alam ko. Alam ako," halos pabulong na putol ng ginang. "Kung ako lang kasi, alam mong kayang kong tiisin 'to. Pero nasasaktan lang ako para sa anak ko."

"It's okay mom."

Sabay na napalingon ang mag-asawa sa pintuan ng study. Hindi napansin na hindi pala tuluyang naisara iyon ni Adeline at kanina pa nakikinig ang binata.

"I'm sorry for eavesdropping. It seems that dad is more needed by the family business. Mas importante iyon. I'll be seeing you soon, dad. Ingat ka po sa byahe," nakangiting saad ni Hiro sa ama bago lumabas ng study room.

Habang matagal na hindi nakapagsalita ang mag-asawa nang makaalis ang binata, tuloy tuloy naman na tinahak ni Hiro ang silid at mabilis na idinayal ang numero ng kapatid.

"Siobe."

"Lloyd Hiro, napatawag ka?"

"Naistorbo ba kita?"

"Nope. Go ahead, spill."

"Tingin mo papayagan ka kaya ni mama Louise kapag nagcelebrate ako ng birthday ko sa La Union?"

"Isn't that too far? Sino-sino ba iimbitahan mo?"

"Ikaw.... Si mom..."

Matagal na hindi nakasagot si Louie.

"Hmm... Is that only a dinner o kaya mo sinabing sa La Union dahil sa resort? Night swimming ba? Baka delikado eh. You know, you will be held responsible for your guest- for me. And mom's an ultimate worry-wart."

"I-I... don't know..."

"Is there a problem, Shoti? What's wrong."

Malungkot na ngumiti si Hiro. He tried hard to control his emotions while talking with his sister. "Dad promised to be there... on my birthday. I only asked for a family dinner, ate. With mom, with him and you. But--"

"He can't make it."

Napakagat-labi ang binata sa sakit na nadarama. Makailang beses pa siyang napakurap, holding back the tears who was about to fall.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon