~39~
Friday
"Lloyd, ikaw nga kumuha ng order dun sa table 12. Mukhang mga sosyal eh. ‘Lam mo na, baka sungitan ang kagwapuhan ko," saad ng isang kasamahan ni Hiro na si Dino.
Kahit fastfood chain ay kakaiba naman ang sistema ng establishment nila. Meron silang menu book sa mga customers na gustong magdine in at iserve ang pagkain na kukunin ng mga waiters o crew habang ang take out naman ay may sariling counter na siyang pilahan ng orders.
Pinagpapasalamat niyang Biyernes ang araw na iyon dahil balak niyang matulog ng maaga. Mahabang oras na tayuan na naman ang sasabakin niya kinabukasan sa pamimigay ng flyers kaya gusto niyang makapagpahinga ng maayos.
Natigil si Hiro sa paghuhugas ng pinggan nang tapikin siyang muli ni Dino.
Kunot-noong napalingon siya dito. "Ha? Ano yun?"
"Sabi ko ikaw muna kumuha ng order dun sa table 12. Magaganda ang mga iyon kaso mukhang maaarte. Kutis mayayaman kasi.”
“Yung iba ba? Baka magalit si sir ‘pag nalaman niya, dito pa naman ako nakatoka ngayon,” pag-aatubili niya.
“Wala si sir ngayon. Absent. Sige na, ako na muna diyan," tango nito at kumuha ng apron at gloves.
Mabilis pa sa alas kwatrong inabot ni Hiro ang towel upang patuyuin ang mga kamay at kinuha ang order sheet na hawak ni Dino.
"Sige, akina."
Pinakaayaw niyang trabaho ang paghuhugas ng pinggan pero napipilitan siyang gawin iyon parte ng pagiging crew. Hindi katulad noong nakatoka siyang maghugas sa mga Pelaez, madali niya lang masuhulan si Charlie na gawin iyon para sa kanya.
Pero walang Charlie kang mauuto ngayon Hiro kaya magtiis ka.
Besides, he doubt it if Charlie would still follow his orders now considering the fact na wala na siyang pansuhol dito.
Lame, tss.
"Uy, Loyd. Puntahan mo na. Baka naiinip na ang mga iyon dahil walang balak ding lumapit ang ibang crew sa kanila," pukaw sa kanya ni Dino.
"Oo, eto na."
Nang makarating siya sa naturang table ay agad niyang pinaskil ang ngiti sa babaeng nakaharap sa kanya.
"May I take your order Ma'am?"
Katulad ng sinabi ni Dino, maganda nga ang dalaga. Maputi ang kutis nito at may pagka-tsinita. Pero hindi pa niya nabistahan ang isang kasama nitong nakatalikod sa kanya ang pwesto.
"Oh hi! May tanong lang kami ng kaibigan ko. Ganito ba talaga sa inyo? Medyo mabagal ang service? Kanina pa kasi kami naghihintay nang kukuha ng order namin kaso parang ayaw kaming pansinin. Di ba Van?" saad ng babae sa kasama nito na tinapik pa ang braso.
BINABASA MO ANG
NYORK
Fiksi Remaja"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive myself to death. Because I am nothing compared to her, his precious memory of his love... His only daughter... Who doesn't even care about h...