Chapter 25: Shoti and Siobe

11.4K 187 30
                                    

____________________________________________________

Hindi na alam ni Hiro kung gaano siya katagal nawalan ng malay.

Nagising na lamang siya ng marinig niya ang boses ni Louie na galit na nakikipag-usap sa mga kidnappers niya. Halata ang pagkainip sa tinig nito.

Tinulungan ako ni Louie. Binalikan niya ako.

“Asan ang mga bodyguards ni Hiro? Ano’ng ginawa niyo sa kanila? Paano nangyaring apat lang kayo tapos walo ang bodyguards niya, napatumba niyo?!" Narinig ni Hiro na singhal nito sa kidnapper.

Abala pa rin si Louie sa pakikigpagdiskusyon ng makita ni Hiro ang isa sa mga kidnappers na pasuroy-suroy na bumangon sa pagkakahandusay sa semento at tinungo ang likuran ng sasakyan.

Hindi nito napansing nagkamalay na ang binata. Nang makita ni Hiro na kumuha ito ng baril at itinutok kay Louie ay hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Nakipagbuno  siya dito at nakipag-agawan ng baril. Hindi na niya napansin ng bigla nitong pindutin ang gatilyong nakatutok na pala sa kanya.

Kasabay ng malakas na pag-alingawngaw ng putok ay ang pagbagsak ni Hiro sa semento mula sa sasakyan.

Nang lingunin siya ni Louie ay hindi na napigilan ni Hiro ang pagbalong ng luha sa mga mata niya dala ng tuwa sa pagbalik ng kapatid at takot sa kapahamakan nilang dalawa.

"A-Ate... b-bumalik ka..."

Mas namayani ang tuwa na naramdaman niya sa kaalamang binalikan siya ng kapatid at tinulungan.

"H-Hiro..."

Nakita ni Hiro ang pagpatak ng mga luha sa mga mata nito at tila gusto niya itong yakapin ng mahigpit.

Okay lang ako Ate. Wag kang umiyak please.

Pero halos hindi na lumabas ang mga salita sa bibig niya.

Binalikan niya ako. Binalikan ako ni Louie... Binalikan ako ni Ate...

Inangat niya ang kamay at halos mahilo siya nang makita ang masaganang dugo na galing sa sariling katawan.

Ayoko pa mamatay please Lord, no...

Hindi niya na halos matandaan ang sumunod na nangyari habang nakita niyang galit na galit na binaril ni Louie ang sasakyan ng mga nakatakas na kidnappers at iwan sila.

Mabilis na binitawan ng kapatid niya ang baril at dinaluhan siya. “H-Hiro… Oh my God…”

Pilit niyang nilalakasan ang loob nang akayin siya nito patungo sa sasakyang dala nito. Pagkatapos nitong ayusin ang pagkakahiga niya sa passenger seat ay mabilis itong nagdrive.

"H-Hiro? Hiro, huwag kang matutulog ha? Mabilis lang 'to..."

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon