Chapter 5: English Only Policy

14.3K 211 27
                                    

__________________________________________________

Natapos ang bakasyon kaya sinundo na si Hiro para bumalik sa mansyon nila.

Hanggang ngayon ay napapangiti pa rin siya kapag naaalala ang tagahanga ni Krystal na nagpanggap babae. Sa sobrang inis ng pinsan ay hindi na din nito pinansin ang pinagawa sa kanyang origami. Kaya nagpasya siyang iuwi na lamang ang mga iyon sa bahay nila at maisama niya sa kanyang koleksyon.

Ang banta ng ama na ililipat siya sa public school ay nangyari. Habang nasa Manila ang kanyang mga magulang at nag-aasikaso ng negosyo ay nasa La Union naman siya, kasama ang mga kawaksi na siyang namamahala ng private resort nila na siyang tunutuluyan niya habang nag-aaral. Bahagya mang nalungkot ay natuwa din siya sa ideyang magagawa na niya halos ang gusto niya sapagkat wala sa paningin ang striktong ama.


Subalit, isa siya sa pinakamaloko sa klase. Halos isumpa na siya ng karamihan sa mga guro. Kilala siyang pilosopo, hindi nakikinig, mahilig matulog at pabalang kung sumagot kaya naman madalas ay pinapalabas siya sa klase. Kung konswelo mang matatawag na hindi siya magawang ikickout sapagkat napapasa naman niya ang leksyon ay isang palaisipan. Pinagtataka ng karamihan ndahil hindi naman nila nakikitang nagbubuklat ng libro ang binata.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay nagbabasa naman ang binata. Kadalasan ay nag-aadvance study siya kaya alam na niya ang susunod na ituturo. Ang rason kung bakit mas pinipili niyang matulog sa klase. 

"...so we will have role play next week and each group should have four members," tumingin ang guro sa first row bago nagpatuloy,"start counting from one to ten since you're all forty in this class..." umupo na ito sa teacher's table at nilipat ang atensyon sa test paper na nasa mesa.

Nagsimula ng magbilang ang mga estudyante habang si Hiro ay hikab ng hikab na nangalumbaba. Nasa third row pa siya. Hindi niya mawari bakit kailangan pa nilang pag-aralan ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Gaano ba ka-importante yan paggraduate? Tapos meron din sa Filipino. Nakakabanas na. Ayon sa kanyang narinig, pinaka-istriktong guro daw si Mrs. Jimenez. Pero wala pa ring pakialam ang binata.

Napatingin siya sa guro na ngayon ay kaharap na niya.

"What were you thinking Hiro? Do you know what number you are?"

Tumingin lang siya sa guro ng hindi inaalis ang pagkakaupo at pangalumbaba,"Hindi po ako sasali sa groupings. Mas gusto kong mag-isa sa role play."

Natawa ang mga estudyante sa sinabi ng binatilyo. Nakikini-kinita na nila ang pagpipintuhong pagdodoble kara nito sa pagrorole play.

Tumaas ang kilay ng guro niya. "Aren't you suppose to speak in English because it's an English only policy?"

"Ayoko nga. Pinoy naman ako eh."

Naningkit ang mga mata ng kwarenta anyos na guro. "For someone who has Chinese features, I admire your way of uplifting the Filipino language. But this is an English subject and EVERYBODY is required to SPEAK IN ENGLISH," pilit pagpapahinahong sabi nito sa binatilyo na hindi man lang natinag sa pag-alsa ng boses ng guro.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon